Chapter 22

1964 Words
‘When you reach the end of your rope, tie a knot in it and hang on.’ – Franklin D. Roosevelt -Scarlett’s POV- “Magandang umaga, Scarlett,” bati sa akin ni Manang nang magkasalubong kami sa kusina. Mabuti na lang at wala akong klase at trabaho ngayon kaya naman maaasikaso ko ‘yong gagawin ko lahat ng dapat ayusin. Pag-uwi kasi namin ni Aaron kagabi ay kinausap din nila ako ni Auntie Amanda. At ayon nga, gusto nila na mag-stay muna ako rito hangga’t hindi pa nagiging totally okay si Amber. Tinanong naman nila kung ayos lang sa akin, at wala naman akong nakikitang problema kaya pumayag na rin ako. Isa pa, na-miss ko rin sila kaya ayos lang. Sanay naman na akong gumising ng maaga kaya hindi naman na problema kung sakaling may pasok. Tungkol nga pala sa trabaho ko ay sinabi ni Auntie ay pwede akong mag-sideline sa malapit na coffee shop dito kapag wala akong pasok. Kakilala niya rin kasi ‘yong may-ari kaya naman pwede niya raw tanungin kung pwede akong ipasok, pero sinabi ko na gusto kong mag-apply. Ayoko naman na makapasok ako sa trabaho dahil lang sa may backer ako. Mabuti na lang din at pumayag si Auntie sa gusto ko kaya wala namang problema. ‘Yong tungkol naman sa renta ko ay nakausap na pala ni Aaron si Aling Pasing. Hindi niya nabanggit ‘yon sa akin kaya naman nabigla ako kagabi. Nasabihan na pala niya ‘yong landlord ko na magbabayad pa rin ng renta sa apartment ko kahit na hindi ako ro’n tumutuloy. Sabi ko nga kay auntie na ako na lang magbabayad dahil may trabaho naman na ako pero sabi niya ay siya na lang. Nagpumilit din siya dahil bilang pasasalamat na raw niya ‘yon dahil niligtas ko si Amber. Pero ang totoo ay wala naman akong ginawa. Baka pa nga magalit siya sa akin kapag nalaman niya kung anong sinabi ko kay Amber. At dahil never naman akong nanalo kay Auntie Amanda ay napapayag niya ako sa lahat ng kondisyon niya. Nagsabi pa nga si Aaron na ihahatid-sundo niya raw ako kapag papasok. Pero tumanggi ulit ako dahil masyado nang sobra ‘yong pabor na hinihingi nila. Plano ko kasi na pagkatapos kausapin si Amber ay uuwi na muna ako para asikasuhin ‘yong mga gamit ko at para kausapin si Aling Pasing. “Kumain na po ba si Amber?” tanong ko habang naghahanda ng pwedeng kainin. Umiling naman si Manang bilang sagot kaya dinamihan ko na ang hinahanda kong pagkain. Matapos maghanda ay inilagay ko lang ang lahat sa isang tray para mas madali kong mabuhat. Nakasalubong ko pa si Auntie Amanda sa pag-akyat ko kaya naman ng mapansin niya ang dala-dala kong pagkain ay nakuha niya kung saan ako pupunta. Ngumiti na lang ako sa kanya at dumiretso na sa kwarto ni Amber. Mabuti na lang at may patungan sa malapit kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagdala. Nang bubuksan ko na ang pinto ay naka-lock ito. Kaya naman marahan akong kumatok para malaman niya na nasa labas ako ng kwarto niya. “Amber, ako ‘to, si Scarlett,” pakilala ko habang kumakatok. Akala ko ay hindi niya ako pagbubuksan dahil ilang minuto rin ang lumipas bago niya buksan ang pinto. Kaya naman ng bumukas ang pinto ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na pumasok. Ni-lock ko rin naman ito kaagad matapos kong ilapag ‘yong pagkain sa mesa. “Sabi nila Manang, kagabi ka pa raw hindi kumakain,” simula ko habang isa-isa nang hinahanda ang mga pagkain. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nanatili naman siyang tahimik kaya kaagad akong bumaling sa kanya para tignan kung ayos lang ba siya. Hindi siya okay, pero mukhang mas maayos na ang lagay niya ngayon kumpara kahapon. “Kumain ka muna para naman magkalakas,” at isa-isa ko nang nilapit sa kanya ang mga pagkain. “Tama lang ba ang ginawa ko?” mahinang tanong niya na sapat lang para marinig ko. Saglit naman akong tumigil para harapin siya. “Ano bang nararamdaman mo ngayon? Gumaan ba ang pakiramdam mo?” balik na tanong ko sa kanya. “Oo,” panimula niya at nagsimula na siyang sabihin sa akin kung ano ang nasa isipan niya. ----- Matapos makipag-usap kay Amber ay nagpaalam na ako sa kanya. Gusto na rin naman niyang magpahinga kaya hinayaan ko muna siya. Mabuti na lang at naubos niya ang pagkain na dinala ko. “Kumusta, Scarlett? Kumain ba siya? Ayos ba ang pakiramdam niya? May kailangan ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Auntie kaya naman hindi ko alam kung anong unang sasagutin sa mga sinabi niya. “Hindi pa siya okay auntie, it will takes time para maging maayos siya, pero ‘wag kang mag-alala dahil gumagawa rin siya ng paraan para maging maayos siya. Kumain po siya, naubos niya ‘yong inakyat ko na almusal. Ayos naman din ang pakiramdam niya, gusto niya lang magpahinga kaya iniwan ko muna siya,” sagot ko sa mga tanong ni auntie. “Mabuti naman kung gano’n,” wika niya at tila ba nakahinga siya ng maluwag. “Thank you so much, Scarlett. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.” “Ayos lang po auntie. Kinupkop niyo rin naman po ako no’ng nangangailangan ako ng tahanan.” Nagulat naman ako dahil bigla niya akong niyakap. Nakakapanibago lang. Hindi kasi ako sanay na ganito siya kaya naman minsan ay nabibigla pa rin ako sa mga ginagawa niya. Siguro ay nasanay lang ako sa pagsusungit niya kaya naman naninibago ako sa kanya minsan. “Siya nga po pala, aalis lang po ako sandali para kausapin ‘yong manager sa trabaho ko. Babalik din naman po ako before lunch,” paalam ko sa kanya. “Gusto mo ba ipahatid kita kay Aaron?” suggestion niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi na po. Maaga pa naman po kaya may masasakyan pa. At saka masyado na po akong nakakaabala.” “Ayos lang naman. Mag-iingat ka pag-alis mo mamaya. Tawagan mo lang ako kung sakaling may kailangan ka, okay?” “Yes, auntie,” at tumango na lang din ako para makumbinsi siya na magiging maayos lang ang pag-alis ko. At mukhang wala naman na siyang bilin dahil nagpaalam siyang umakyat sa kwarto niya. Kaya naman matapos makipag-usap sa kanya ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko para mag-ayos. Hindi rin naman ako sobrang magtatagal kaya paniguradong before lunch ay nakabalik na ako. ----- At dahil hindi naman traffic ay mabilis din akong nakarating sa apartment. Sakto naman at naabutan ko sa baba si Aling Pasing kaya naman inuna ko na ang pakikipag-usap sa kanya. “Ilang buwan ka namang mawawala?” “Hindi ko pa po alam, Aling Pasing, pero dadalaw-dalaw naman po ako rito.” “Ikaw na bata ka, hindi mo nabanggit sa akin na may gwapo ka palang pinsan. Edi sana ay nareto ko ang panganay ko sa pinsan mo, mukha pa namang walang girlfriend ang isang ‘yon,” pag-iiba niya ng usapan. “Ano ka ba naman Aling Pasing, kung kani-kanino mo nire-reto anak mo,” natatawang sabi ko sa kanya. Sa tuwing may nakikilala kasi siyang gwapo ay lagi niyang sinasabi na ire-reto niya sa panganay niya. Pero wala namang akong nabalitaan na naging ka-date ng anak niya. Ang alam ko kasi ay tutok ito sa pag-aaral niya kaya naman sobrang bihira lang kung lumabas. “Ano ka ba, gano’n dapat. Para naman mahawaan ng magandang lahi ang angkan namin. Tignan mo, kapag maganda ang nanay at gwapo ang tatay, nagiging sobrang ganda o gwapo ng anak,” paliwanag niya pa. Kung ano-ano pang nai-kwento niya kaya naman hindi ko na rin namalayan ang oras. Masyado na palang napatagal ang pakikipag-kwentuhan ko kay Aling Pasing. Kahit na kasi malaki ang agwat namin sa edad ay nagkakasundo pa rin kami. Nasa 50s pa lang naman kasi siya at feeling bagets din kaya naman updated siya sa kung ano ang latest. Mas updated pa nga siya kaysa sa akin eh. Sabagay, ang pampalipas oras niya rin kasi ay ang social media. “Sige po, Aling Pasing, mauna na po ako. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin,” paalam ko at saka tumayo na. Kapag hindi pa kasi ako umalis sa pwesto ko ay paniguradong mago-open na naman siya nang panibagong topic. Kaya ang ending, aabutin kami ng ilang oras sa pagku-kwentuhan. Matapos magpaalam sa kanya ay dumiretso na muna ako sa apartment ko para ayusin ‘yong mga gamit ko. Hindi rin kasi ako sigurado kung kailan ako makakabalik kaya naman maglilinis na ako. Pagbukas ko ng pinto ay inaasahan ko na may sasalubong sa akin o hindi kaya ay may tatlong nilalang akong makikita sa sala na nanonood ng TV. Pero nabigo ako dahil wala ulit sila. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nanatiling nakatayo sa may pinto bago tuluyang pumasok sa loob. Mabuti na lang talaga at kaunti lang ang mga gamit ko kaya hindi na ako mahihirapang mag-ayos. Kaunti lang din naman ang mga kalat kaya paniguradong hindi ako aabutin ng ilang oras. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang hiniling na sana ay magpakita ang kahit isa sa kanila pero wala pa rin. Natapos na ako’t lahat-lahat pero wala pa ring nagpapakita sa akin. Sinubukan ko na nga silang tawagin sa pangalan nila pero wala pa rin. Kaya naman sinubukan ko na maghintay pa kahit ilang minuto pero wala talaga. Mukhang hindi na talaga sila magpapakita pa sa akin. Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil ito naman ang ginusto ko una pa lang? Dapat ngayon ay masaya na ako dahil wala na sila. Hindi na sila nagpaparamdam. Pero hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ngayon. Siguro ay dahil masyado lang silang napalait sa akin. Kainis, bakit ba kasi ang bilis kong ma-attach. Kahit hindi sa tao. Ayan tuloy, lagi akong nalulungkot kapag nawawala sila o umaalis. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na ‘wag ma-attach kaagad sa mga tao o kahit anong bagay. At dahil wala naman na akong mapapala sa paghihintay ay nagpasya na akong umalis. Anong oras na rin kasi at kailangan ko pang daanan si Manager Bella para ayusin ang schedule ko. Nakausap ko naman na siya sa call kanina, mabuti na lang at pumayag siya na magpalit ako ng schedule. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin dahil naayos na rin niya kaagad. Wala naman akong naging angal dahil ‘yong pasok ko ay saktong pagkatapos ng klase ko kaya naman hindi hassle magpabalik-balik sa byahe. Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanya. Kailangan ko na rin kasing umuwi dahil ang sabi ko kay auntie ay babalik ako before lunch. Mabuti na lang at may jeep kaagad nasakyan kaya naman hindi na ako naghintay pa. Habang nasa byahe naman ay bigla kong naalala si Abigail, hindi ko pala nabanggit sa kanya na babalik na ako sa bahay ni auntie. May lakad din naman kasi siya no’ng nakaraan at parehas din kaming nagmamadali kaya tuluyan na ring nawala sa isip ko. At dahil hindi rush hour ay mabilis din ako nakauwi. Mukhang sakto lang din pala ang pag-uwi ko dahil nagluluto pa lang si Manang. At dahil naamoy ko na ang niluluto niya mula rito sa pwesto ko ay dali-dali akong pumunta sa kusina para tulungan siya. Pero gano’n na lang ang laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang nasa tabi niya. Hindi tuloy ako nakapagsalita kaagad dahil sa pagkagulat. Hindi ko alam kung paano magre-react. Para tuloy akong nakakita ng multo. Ay hindi, tama lang pala. Nakakita nga ako ng multo. Ang nakita ko lang naman sa tabi ni Manang ay si Eleanor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD