‘Don’t settle for what life gives you; make life better and build something.’ – Ashton Kutcher -Scarlett’s POV- “Can I formally court you?” hindi ako makasagot kaagad sa tanong niya dahil sa gulat. Alam ko na na darating ang oras na ‘to pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis, na ganito kaaga. Habang nakatingin ako sa kanya ay para bang napaisip ako na hindi ko deserve ang kagaya niya. Na he’s too good for me pero parang gusto ko rin maging selfish. Bigla naman pumasok sa isip ko ang effort na ginawa niya ngayon. ‘Yong ilang oras niyang pagmamaneho at ‘yong paghahanda ng lahat ng ‘to para lang tanungin ako kung papayagan ko siyang manligaw. Napatingin naman ako sa mga kasama namin na naghihintay din ng sasabihin ko. Lahat sila ay nakangiti pero ramdam ko ang kaba nila kahit na hind

