‘There is no greater agony than bearing an untold story inside you.’ – Maya Angelou (I Know Why the Caged Bird Sings) -Scarlett’s POV- Matapos ‘yong nangyaring insidente sa pagitan namin ni Ralph ay naisipan ko muna na hindi pumasok sa shop kaya naman bago ako pumuntang university ay pinaabot ko muna kay Mylene ‘yong sulat ko. Hindi ko pa kasi kayang kaharapin siya dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Kaya naman magpapaalam muna ako sa kanya na ilang araw akong hindi makakapasok sa trabaho dahil maraming gagawin sa university. Well, isa ‘yon sa mga dahilan, pero ang dahilan ko ay para makalayo muna sa kanya at makapag-isip-isip ako. Masyado akong na-overwhelm sa mga sinabi ni Amber. Pagkatapos kong maihatid ang sulat ay nagpaalam na ako kay Mylene dahil baka mahuli pa ako sa

