‘Life isn't about finding yourself. Life is about creating yourself.’ – George Bernard Shaw -Scarlett’s POV- Napansin ko naman na tumayo siya at lumapit sa akin para subukang yakapin ako pero tumagos lang ang kamay niya sa katawan ko. Pero ngumiti ako sa kanya para ba ipakitang nararamdaman ko siya. Na sapat na ang presensya niya para lang alam ko na may kasama ako, na may karamay ako. “Hindi ko sinasadya na malaman, pero bigla lang kitang nakita, tatawagin sana kita kaya lang ay huli na dahil nakita mo na ‘yong mga bagay na ‘yon,” paliwanag niya pa. Ngumiti lang ako sa kanya para sabihin ayos lang, wala naman siyang kailangang ipaliwanag kasi wala naman siyang kasalanan. Hindi ko alam kugn gaano katagal akong umiyak pero hindi umalis sa tabi ko si Eleanor. Kahit na hindi niya ako naha

