‘The secret of success is to do the common thing uncommonly well.’ – John Rockefeller Jr. -Scarlett’s POV- Maaga akong nagising ngayon dahil ngayong araw din ang dating nila Auntie Amanda. Pagkauwi kasi namin galing sa Sky Ranch ay nabasa ko ang text ni Aaron na maaga raw silang pupunta rito. Nagkausap naman na sila ni Ralph bago kami umalis kaya naman alam na nila kung saang hotel kami tumutuloy. Nang makatanggap ako ng text na nasa baba na sila ay kaagad akong lumabas. Kanina pa kasi ako nakapag-ayos dahil gumising din ako ng maaga talaga. Sakto namang paglabas ko ay kalalabas lang din ni Ralph sa kwarto niya kaya naman sabay na kaming bumaba. Mukhang sinabihan din siya ni Kuya Aaron. Medyo kinakabahan din talaga ako ngayon dahil baka sabihin niya ‘yong nangyari kahapon. Pagkauwi ka

