‘You've gotta dance like there's nobody watching, love like you'll never be hurt, sing like there's nobody listening, and live like it's heaven on earth.’ – William Purkey -Scarlett’s POV- “At dahil d’yan ay kailangan mo ng makeover. Kaya naman ako ang magiging Manager mo, okay?” wika niya kaya naman napatango na lang ako sa kanya. “Pero bakit kailangan pa ng makeover? Ayos naman na ako sa itsura ko. May mali ba sa akin?” nagtatakang tanong ko pero kaagad naman siyang umiling. “Scarlett, ano ka ba? Walang mali sa’yo. At wala ring problema, okay? Naisipan ko lang na ayusin ka dahil kailangan mo ng bonggang makeover para naman magka-lovelife ka.” Magsasalita pa sana ako para kontrahin ang sinabi niya pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ko na para bang pinapatahimik niya ako. At dahil

