‘Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that.’ – Martin Luther King -Scarlett’s POV- Pagpasok namin sa loob ay hindi ko mapigilang mailang. Nakakapanibago. Kahit na may idea na ako sa ganitong klaseng party ay naninibago pa rin ako. May red carpet pa. Nang tuluyan naman akong makapasok sa loob ay saka ko lang napansin na may mga photographer pala. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Sa entrance pa lang ay makikita mo na kaagad kong gaano ka-sosyal at ka-elegante ang buong party. May banner pa nga sa gitna na ‘JG Hotel Year End Party’. Akala ko ay simpleng party lang ang dadaluhan namin. Hindi ko alam na puno pala ng mga mayayaman at businessman ang narito. Parang nalula tuloy ako sa dami ng tao. Kung alam ko lang pala na ga

