‘There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.’ – Albert Einstein -Scarlett’s POV- Kanina nang makaalis sina Tita Minerva ay nabanggit niya sa akin na kapatid pala ‘yon ng mama niya kaya naman pala ka-close niya. Akala ko ay kakilala lang talaga ng pamilya niya o hindi kaya ay business partner. Nang maiwan din kaming dalawa ay kinuha ko na ‘yong pagkakataon na magtanong-tanong sa kanya. Baka kasi mamaya ay may lumapit na naman sa amin at matameme na naman ako kaya naman mas okay na may alam ako kahit papano. Mabuti na lang din at sinabi niya sa akin ‘yong mga dapat kong tandaan at gawin. Hindi naman pala mahirap kasi he will do all the talking habang ako ay ngiti-ngiti lang. As in literal na sasamahan k

