‘Fairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten.’ – Neil Gaiman (Caroline) -Scarlett’s POV- At dahil kanina pa talaga ako nagugutom ay naisipan kong lumabas na muna. No’ng pumunta kasi kaming Sky Ranch ay napansin ko na may malapit na convenient store sa kabilang kanto. May pagkain naman dito sa hotel at pwede naman magpa-room service pero mas gusto ko ‘yong simpleng pagkain lang. Hindi naman ako nakakain kanina dahil ang dami rin naming kinausap ni Ralph. Wala rin kasing pwedeng maupuan at kung mayro’n man ay hindi rin ako makakakain. Puro dessert at kung ano-ano pang prutas kasi ang naka-serve kaya naman puro juice lang ako kapag nararamdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Kung alam ko lang na gano’n

