‘Many of life's failures are people who did not realize how close they were to success when they gave up.’ – Thomas Edison -Scarlett’s POV- Katatapos lang ng meeting namin kay Mr. Lim kaya naman wala na rin kaming gagawin ngayong araw. Hindi ko alam na naimbitahan pala sa isang party si Ralph kaya naman isinama niya ako bilang secretary ay para may kasama siya sa party bukas. Maaga kaming nakarating dito sa Tagaytay at ilang oras lang din ay may nag-meeting kay Mr. Lim. Ilang oras din ang itinagal ng meeting kaya naman nararamdaman ko na rin ang gutom. Paano ba naman kasi, pagkarating namin kanina ay nagpahinga lang ako at nag-ayos kaya naman hindi na ako nakakain. Tanghalian na rin naman kaya sakto lang din. Mabuti na lang at nakakain ako sa byahe kanina kaya naman kaya ko pang tiisi

