‘The greatest glory in living lies not in never falling, but in rising every time we fall.’ – Nelson Mandela -Scarlett’s POV- “Ate Scarlett, pwede mo ba akong i-visit sa bahay? I wanna play with you,” wika niya at naka-puppy eyes pa. Parang hindi tuloy ako makatanggi dahil ang cute-cute niyang tignan. Kahit na hindi ako sigurado ay tumango na lang ako at pumayag sa gusto niya. Ang sinabi rin naman kasi ni Mark ay babalik din sa US ang pamilya ni Tyler dahil nagbakasyon lang sila rito. Kaya naman hindi ko maiwasang malungkot dahil pakiramdam ko ay pinapaasa ko ‘yong bata. Hindi rin naman kasi talaga ako sigurado dahil may pasok na ulit kami sa susunod na linggo at may trabaho rin ako. Pero kung may libreng oras ako ay sigurado ako na dadalawin ko siya. Matapos naming kumain ay nakatan

