Chapter 9

1663 Words
‘Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving.’ – Albert Einstein -Scarlett’s POV- Ilang araw din akong nag-stay pa sa hospital dahil ayaw akong paalisin ng mga doctor dahil may kailangan pa raw silang i-check sa akin. At dahil nakuha ko naman kaagad ang ibig nilang sabihin ay hindi na rin ako umangal pa. Alam ko na kung anong nasa isip nila. Akala nila ay nababaliw na ako dahil kung ano-anong nakikita ko. Kaya naman kailangan kong galingan sa pag-arte para mamakalabas na kaagad ako rito. Masyado na akong naiinip sa kwarto ko at kailangan ko na ulit mag-trabaho. Baka magtaka na rin si Aling Pasing dahil ilang araw na akong hindi nakakauwi. Kaya naman dito na magsisimula ang plano ko. Oplan: Makalabas ng Ospital. Tatlong beses kada-araw kung bumisita ang mga nurse sa kwarto ko, kapag nagdadala sila ng pagkain at tinitignan kung ayos lang baa ng lagay ko. Mabuti na lang at hindi nila naisipan na painumin ako ng kung ano-anong gamot dahil baka tuluyan na talaga akong mabaliw. Minsan ay napapansin ko na kinakausap lang nila ako para ba tignan kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Minsan ay nagtatanong pa nga sila kung nakita ko ba ulit ‘yong bata, pero sumasagot na lang ako na hindi kahit na ang totoo ay kasama namin sa kwarto ‘yong tatlo. Madalas din akong mapuyat dahil sa kanila, hindi ako makatulog ng maayos knowing na may kasama akong tatlong multo sa kwarto ko. Kaya naman ngayong araw ay naisipan na akong pauwiin ng mga nurse. Sabi pa nila ay maayos na ang kalagayan ko kaya naman excited na rin ako. Excited na akong umuwi. At excited na akong makalayo sa tatlong ‘yon. Sana lang talaga ay hindi ko na sila makita pa. Inayos ko na ang mga gamit ko para maghandang umalis. Minsan kasi ay pumupunta rito si Karla para magdala ng pagkain at damit, at para na rin may makausap ako. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti habang nag-aayos ng mga gamit dahil makakauwi na rin ako sa wakas. Pakiramdam ko kasi ay tuluyan na talaga akong mababaliw kapag nagtagal pa ako ritong kasama ang tatlong nilalang na ‘to. Halos araw-araw rin silang nasa loob ng kwarto ko. Hindi naman nila ako sinasaktan o kinakausap pero natatakot at naiilang pa rin ako sa tuwing maaalala ko ‘yong sinabi nila na gagamitin nila ako. No way na magpapagamit ako sa mga multo! At dahil bayad na rin ang bill ko rito sa hospital ay nakalabas naman ako ng walang aberya. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng mapansin ko na walang nakasunod sa akin. Finally! At dahil good mood ako ay masaya akong naglakad papuntang sakayan ng jeep. Na-miss ko rin ‘yong apartment ko, na-miss ko rin mag-trabaho. Paniguradong bumaba ang sweldo ko ngayong buwan dahil ilang araw akong hindi nakapasok. Pero hindi rin pala magtatagal ang kasiyahan ko. ‘Yong excitement at saya ko sa pag-uwi ay biglang nawala. “T-talaga bang susundan niyo ako kahit saan ako magpunta? Hanggang kailan? Hanggang kailang niyo ako susundan?” sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Pero imbes na s**o tang makuha ko ay bigla akong nakaramdam ng pagsisisi at hiya. Paano ba naman kasi, nakalimutan ko na may kasabay ako sa jeep. Hindi punuan ngayon dahil hindi naman rush hour pero may iilan pa rin na mga pasahero. “Manong, para po!” sigaw ng ale habang nakatingin sa akin. Nang huminto ang jeep ay dali-dali siyang bumaba at naglakad palayo. Napa-face palm na lang tuloy ako sa isip ko. mabugti na lang din talaga at kami lang ang pasahero kaya hindi gano’ng nakakahiya. Mukhang hindi naman narinig ng driver ang sinabi ko dahil nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Maayos naman ang itsura nilang tatlo, hindi ‘yong katulad sa mga nakakatakot na multo na napapanood ko sa TV. Pero natatakot pa rin ako sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa akin. Ilang beses nang sumagi sa isipan ko na baka bigla nila akong sapian. O kaya naman ay agawin nila ang katawan ko at magpanggap na ako para magawa nila ang mga gusto nila. Habang ang kaluluwa ko ay maiiwang pagala-gala. Hay naku, Scarlett, nasobrahan ka lang sa panonood ng kung ano-anong paranormal movies. Hindi maganda sa kalusugan mo ang ganyan, itigil mo ‘yan. At dahil sa ilang araw ko na silang nakikita ay kahit papano ay nasanay na rin ako sa presensya nila. Pero naiilang pa rin ako dahil hindi sila tao. Sana lang talaga ay wala na akong ma-encounter pa na ibang multo dahil hindi ko na kakayanin kung gano’n. ----- Nang makauwi ako sa apartment ay nakasunod pa rin sila sa akin kaya naman may plano na sumagi sa isip ko. Iniiwasan ko na lang na magsalita nang magsalita dahil naririnig nila ako at hindi nila pwedeng malaman ang plano ko. Kaya naman ngayong araw, imbes na pumasok sa trabaho ay sa ibang lugar ako pumunta. Wala pa rin naman kaming klase kaya naman may oras pa ako para asikasuhin ang problema kong ‘to. Kapag umaalis ako ay hindi naman sila sumusunod sa akin, ‘yon ang alam ko. Kaya naman ngayon ay naisipan ko na pumunta sa pari upang magpabasbas. Ngayon ko lang din na-realize na ang tagal ko na rin palang hindi nakakapag-simba. Ang tagal na rin simula nang magpasalamat ako sa lahat ng biyaya na natanggap ko. Mabuti na lang at may kakilala akong pari kaya naman napakiusapan ko si father na basbasan ako. Hindi rin ito nagtagal dahil matapos akong basbasan ay ipinagdasal niya lang ang kaluluwa ko. Pagkatapos no’n ay dumalo na rin ako ng misa dahil wala na rin naman na akong gagawin ngayong araw. Matapos ang misa ay naisipan kong bumili ng sampaguita, ang tagal na rin pala simula nang masabitan ko ng bagong sampaguita ‘yong poon. Paniguradong nagtatampo na ito sa akin dahil ilang araw ko na ‘tong hindi nalilinisan. Paalis na sana ako para umuwi pagkatapos kong bumili ng sampaguita pero bigla may humawak sa braso ko kaya naman nagulat ako. Mabuti na lang at hindi ako napatili dahil masyadong agaw atensyon ‘yon. “Nakatagpo ka ng ibang uri ng nilalang. You have encountered someone from the other side,” wika nito. Akala ko ay nagtatanong lang siya pero base sa tono ng pananalita niya ay sigurado siya sa mga sinasabi niya. “A-ano po?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Nang suriin ko ang itsura niya ay maayos naman ang pananamit niya pero kakaiba nga lang sa nakasanayan dahil mukha siyang manghuhula. “’Yong mga katulad mo na nabuksan ang ikatlong mata ay may kakayahan na makipag-usap at makakita ng mga ligaw na espirito,” saglit naman siyang huminto sa pagsasalita at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “You are not going to live peacefully not until you send those spirits.” “Bakit po?” nang dahil sa sinabi niya ay na-intriga tuloy ako. Kung gano’n ay posible na habang buhay ko na silang makita hangga’t hindi sila nakakatawid sa kabilang mundo? “Halika rito, sumunod ka sa akin,” wika niya at naglakad papunta sa tent na nasa gilid. May iilang tao na dumadaan dahil katatapos lang magsimba habang ang iba naman ay a-attend pa lang. Nawi-weirduhan talaga ako sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin at sumunod ako sa kanya papasok sa tent. Pagpasok sa loob ay may mga baraha, kandili, at kung ano-ano pang litrato ang nakasabit sa gilid. “’Yong mga espirito na naka-engkwentro mo ay gustong gamitin ang katawan mo. They are bound to use your body.” Nang dahil sa sinabi niya ay naalala ko ‘yong sinabi ng mga multo no’ng una ko silang nakaharap. Na gusto nila akong gamitin. Na ako ang magiging daan nila. Pero hindi ko lang masyadong makuha kung ano ang ibig nilang sabihin. “Sinabi nila na ako ang magiging daan,” maikling sagot ko sa kanya. “That means, they need your body to do something. Posible na pagpasa-pasahan nila ang katawan mo para magawa nila ang mga kailangan nilang gawin.” Bigla kong naalala ‘yong mga multo o kaluluwa na hindi makatawid sa kabilang mundo dahil may hindi pa sila natatapos dito. Kung gano’n, ibig bang sabihin ay gagamitin nila ako, ang katawan ko, para magawa ang mga bagay na ‘yon? Isipin ko pa lang na mangyayari ‘yon ay kinikilabutan na ako. Natatakot na kaagad ako para sa sarili ko. “Maraming salamat po,” hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at kaagad na akong umalis. Kailangan ko nang umuwi. Kung gano’n lang din pala ay kailangan ko kaagad silang mapaalis sa bahay ko. Lalong-lalo na sa buhay ko. Kailangan kong maghanap ng paraan para mapasara muli ‘tong third-eye ko. At kailangan ko ring umusip ng paraan para tuluyan silang mapaalis. ----- Pagpasok ko sa loob ng apartment ay naabutan ko silang tatlo sa sala. ‘Yong bata ay nagbabasa pa rin ng libro habang ‘yong matanda naman ay naninigarilyo pa rin habang nakatanaw sa bintana. May usok na lumalabas sa bibig niya pero wala namang amoy kaya wala ring problema sa kapitbahay. ‘Yong babaeng multo naman ay pinagmamasdan ‘yong mga embroidery na ginawa ko. Kapag may libreng oras kasi ako ay nagdi-disenyo ako ng bulaklak at tinatahi ko gamit ang cross stitch. Pagkatapos ay binabalutan ko ng plastic cover saka ko sinasabit sa pader para naman may palamuti ‘tong bahay. Habang nakatingin sa kanila. Ngayon ko lang na-realize na ito pala ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng maraming bisita. Mas okay sana kung tao sila at hindi multo. Mukhang kailangan ko na talagang ihanda ang sarili ko at ang katawan ko para sa mga posibleng mangyari. Sana lang talaga ay hindi sila sumapi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD