** Trigger Warning!!!
This chapter contains scenes of violence, s*icide, ab*rtion, and r*pe, which may be upsetting to readers who have experienced. If not comfortable with this kind of scenes, please proceed to the next chapter.
-----
‘If you set your goals ridiculously high and it's a failure, you will fail above everyone else's success.’ – James Cameron
-Scarlett’s POV-
“I was r-raped.’
Nang dahil sa sinabi niya ay parang huminto ang oras. Tanging pag-iyak niya lang ang naririnig ko. Parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ako makapagsalita sa pagkabigla.
Akala ko. Akala ko ay may nangyari sa kanila ng boyfriend niya. Hindi ko alam. Akala ko ay ginusto niya ang nangyari. Ang lakas pa ng loob ko na magsabi na hindi ko siya huhusgahan pero bago pa man siya makapag-kwento ay nagawa ko na.
“I’m sorry,” naiiyak na sagot ko sa kanya at mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “I’m sorry. I’m sorry, Amber,” paulit-ulit na sabi ko sa kanya.
Ngayon ay parehas na kaming umiiyak. Walang nagsasalita sa amin. Hinayaan ko na muna siyang umiyak hanggang sa kumalma siya. Para na rin bigyan ng oras ang sarili ko na kumalma rin.
Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganitong pwesto pero maya-maya rin ay kumalma na siya at tumigil sa pag-iyak. Ngayon tuloy ay parehas na kaming namamaga ang mata.
“Alam kong mahirap, pero kailangan mong sabihin sa mama mo. Kapamilya ka nila kaya sila lang din ang magiging kakampi mo bukod sa akin,” paliwanag ko sa kanya.
Pero imbes na sumagot ay sunod-sunod na pag-iling ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko siya maiintindihan sa puntong ito dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman niya lalo na at hindi nangyari sakin ang bagay na ‘yon.
Pero naiintindihan ko na mahirap sabihin. Na mahirap tanggapin ang nangyari sa kanya. Kanina pa lang ay halos hindi na makapagsalita si Auntie Amanda sa nangyari, ayoko na lang isipin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang nangyari sa anak.
I know that disclosing to someone they care about can be very difficult, so I want to be supportive to her decision and be non-judgmental as possible.
“This shouldn’t have happened to you. Amber, listen to me, you didn’t do anything to deserve this, okay? I care for you and I’m here to listen or help in any way I can. Please, remember that,” at saka ko siya muling niyakap. “I know that it took a lot of courage to tell me about this. And thank you for that.”
Nang mapansin ko na handa na siyang magsalita ay dahan-dahan ko siyang inalalayan sa pagtayo. Alam kong hindi madali ang gagawin niya kaya naman gusto ko na maging suportado sa kanya. At para alam niya na nandito lang ako sa likuran niya, nakasuporta.
“S-sabihin ko na kay m-mommy,” wika niya kaya naman ngumiti ako sa kanya.
Magandang senyales na ‘to dahil nag-take action na siya na sabihin kay auntie. Nang buksan ko ang pinto ay napansin ko kaagad sina Aaron na naka-abang sa labas. Mukha namang nakahinga siya ng maluwag ng makitang kasama ko si Amber.
Ngumiti na lang ako sa kanya bilang senyales na ayos na. Sakto namang paglabas namin ng kwarto ay nakaabang din si auntie at Manang sa dulo kaya naman muling naiyak si Amber ng makita ang mama niya.
“M-mommy,” naiiyak na wika niya.
Mukha namang nanghihina siyang maglakad kaya sumenyas ako kay Aaron upang magpatulong na alalayan si Amber. Hindi naman pumalag si Amber kaya nagpatuloy kami sa paglalakad papalapit sa pwesto nila auntie.
“M-mommy, I’m sorry,” at tuluyan na nga siyang umiyak habang nakaluhod sa harapan ng mama niya.
Napaupo na lang din si auntie para daluhan ang anak habang parehas sila na umiiyak.
-----
Hindi ko alam kung paano natapos ‘yong pangyayari kanina. Nandito ako ngayon sa kwarto ko para magpahinga sandali. Umalis sina Auntie para dalhin sa hospital si Amber. No’ng una ay ayaw niya pa, mabuti na lang at nakumbinsi ko siya na magpatingin, lalo na at may sugat din siya sa kamay.
Kasama naman nila si Aaron kaya panatag na ang loob ko na magiging ligtas sila. Lahat sila ay kasama ni Amber kaya naman mag-isa lang akong naiwan ngayon dito sa bahay. Sinabihan pa ako ni Manang na dito na lang matulog pero baka hindi na rin.
Hindi na rin ako makakapag-paalam sa kanila kaya mag-iiwan na lang muna ako ng sulat na umalis na ako. Ite-text ko na lang din si Manang na hindi na ako makakapag-stay pa dahil may trabaho ako. Pero dadalaw-dalaw naman ako para tignan kung ayos lang ba sila.
Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama kay Amber.
Papalabas na sana ako ng biglang may mapansin ako na tao sa loob. Parang kamukha ni Eleanor pero baka namamalikmata lang ako. Dala na rin siguro ng pagod, hindi ko alam kung bakit parang na-drain ang energy ko.
Kaya naman sobrang bagal kong kumilos habang nagla-lock ng gate. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang ay gusto ko ng katahimikan. Kahit sandali lang.
“Hey!” hindi ko na napansin ang sumunod na nangyari dahil masyadong mabilis ang lahat.
Ang alam ko lang ay nakayakap sa akin si Mark ngayong habang nasa gilid kami ng kalsada. At dahil sobrang lapit niya sa akin ay naamoy ko ang pabango niya. Malapitan ko rin tuloy nakikita ang mukha niya. At dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan ko pang tumingala para lang tignan siya.
“Hey, are you okay?” wika niya kaya naman kaagad akong bumalik sa wisyo. “Muntik ka nang masagasaan,” dagdag pa niya.
“Ayos lang ako. Sandali, bakit nandito ka pa?” nagtatakang tanong ko sa kanya ng ma-realize ko ang nangyari.
Sa pagkakatanda ko ay hindi naman siya rito nakatira. Sa tagal kong nakitira kila Auntie ay never ko naman siyang nakita sa lugar na ‘to. Hindi kaya…
“I waited for you,” sagot na nakapag-kumpirma sa hinala ko.
“Bakit, naghintay ka pa? Sana ay nauna ka na, masyado na kitang naaabala.”
“It’s okay. Isa pa, nagsabi ako na hihintayin kita.”
Huh? Wala naman akong maalala na sinabi niya na maghihintay siya. O mayro’n nga at hindi ko lang narinig? Ewan ko, hindi ko na alam. Masyadong okupado ang utak ko kanina kaya naman hindi ko na maalala.
“Let’s go inside the car, may bandage ako ro’n,” he said at hinatak na ako papasok.
Hindi ko alam kung para saan gagamitin ang bandage na tinutukoy niya pero sumunod na lang din ako papasok. Maya-maya lang din pagkapasok niya ay kinuha niya ang bandage sa compartment at humarap sa akin. Nagtataka pa ako sa kanya dahil wala naman akong sugat.
“You’re injured,” he said at pinatakan ng alcohol ang sugat ko. Napapitlag naman ako dahil sa hapdi. “Sorry. Let me cleanse your wound.”
Hindi ko napansin na nasugatan din pala ako no’ng. Siguro ay dahil ‘to sa ginawa kong pagdampot kanina. Hindi ko rin naman naramdaman ang sakit kaya hindi ko napansin.
“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ko sa kanya habang binabalutan niya ang kamay ko. “Bakit mo ako tinutulungan?”
Kasi sa totoo lang ay nagtataka ako. Hindi kami personal na magkakilala. Oo, classmate kami, pero hindi kami close. Never pa kaming nag-usap, kaya naman nakakapagtaka na nagiging madalas na ang pagkikita namin.
“Answer me. Bakit mo ako tinutulungan. Bakit mo ako kinakausap? Bakit?”
“I don’t know. I just want to help.”
Umiling-iling naman ako sa naging sagot niya. Imposible. Imposible na bigla na lang nagtuos ang landas naming dalawa. O ako lang ba ‘tong may problema? Na malinis talaga ang intensyon niya at nagkataon lang na gusto niyang tumulong. Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako.
“Gusto ko nang umuwi,” mahinang sabi ko sa kanya. Ayoko na munang makipagtalo dahil parang nanghihina ako. Gusto ko na lang na magpahinga talaga.
-----
Naalimpungatan ako dahil sa mumunting ingay na narinig ko. Nakatulog na pala ako, hindi ko man lang napansin. Teka… Wala ako sa kwarto ko.
At saka ko lang napansin na nasa loob pa rin ako ng sasakyan. Pero wala na ‘yong kasama ko. Kaagad akong napatingin sa labas at napansin ko na nandito na nga kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Kaagad namang hinanap ng mata ko ang kasama ko at nakita ko siya sa tapat ng tindahan na naninigarlyo.
Inayos ko lang sandali ang sarili ko at saka tumingin sa salamin, baka mamaya ay may muta ako o kaya tumulo ang laway ko, nakakahiya naman. Nang masigurado kong maayos naman ang itsura ko ay lumabas na ako kaya naman napansin ako ni Mark.
“Bakit hindi mo ako ginising?”
Kaagad naman niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya ng mapansin ang paglapit ko. “You look tired. Ayokong istorbohin ang pahinga mo.”
“Kahit na. Sana ginising mo pa rin ako, sobrang naaabala na kita.”
“It’s fine.”
Lord, bakit ba naman kasi masyadong mabait ‘tong tao na ‘to, masyado ko na siyang naaabala pero ayos lang sa kanya. Hindi kaya may sira ang ulo ng isang ‘to? Pero mukhang wala naman dahil maayos naman siyang tignan.
“Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?”
Ewan ko kung ang weird ko lang pero parang napansin ko na nagulat siya sa tanong ko at biglang nataranta, pero matapos ‘yon ay maayos naman siyag nakasagot sa tanong ko.
“S-sinabi mo kanina, remember?”
Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong matandaan na sinabi ko ‘yon kanina pero hinayaan ko na lang. Baka nasabi ko nga sa kanya pero nakalimutan ko lang.
“Salamat. Sobra na kitang naabala kaya hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan.”
“Treat me to a lunch, then,” nakangiting sagot niya.
“Huh?” tanong ko dahil baka mamaya ay mali lang ang narinig ko.
“As a token of appreciation, you can treat me a lunch,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
Hindi ako maka-react sa sinabi niya kaya naman hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya.
“Well, ayos lang naman kung ayaw mo—“
“No, no. Ayos lang. Naabala kita kaya ayos lang,” sagot ko na ng tangka niyang bawian ang sinabi kanina.
Ililibre ko lang naman siya, kaya ayos lang. Kabayaran ko na rin ‘yon sa pang-aabala na ginawa ko sa kanya ngayong araw.
“Thank you ulit for today. Mag-iingat ka,” paalam ko sa kanya bago siya tuluyang makasakay sa sasakyan.
“No problem. Goodnight, then” paalam niya rin at tuluyan nang sumakay.
Kumaway na lang ako sa kanya at hinintay na makaalis ang sasakyan niya. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay umakyat na kaagad ako sa apartment. Hinahanap na ng katawan ko ‘yong kama, gusto ko na magpahinga.