** Trigger Warning!!!
This chapter contains scenes of violence, s*icide, ab*rtion, and r*pe, which may be upsetting to readers who have experienced. If not comfortable with this kind of scenes, please proceed to the next chapter.
-----
‘Life is what happens when you're busy making other plans.’ – John Lennon
-Scarlett’s POV-
“Anong nangyari sa kamay mo? Ayos ka lang ba?” bungad na tanong sa akin ni Eleanor pagpasok na pagpasok ko pa lang.
“Pasensya na hindi tayo natuloy kanina, nagkaro’n kasi ng emergency,” I said.
Ngayon ko lang din kasi naalala na hindi pala ako nakapagsabi kanina. Nataranta rin kasi ako no’ng tumawag si Manang kaya naman nawala na sa isip ko ‘yong mga dapat kong gawin.
“Kumusta naman si Amber, ayos na ba siya?” tanong niya kaya naman nagtatakang tumingin ako sa kanya.
“Sinundan niyo na naman ba ako?”
“Hindi, nagkakamali ka. Kanina kasi ay narinig namin ‘yong sinabi ng kausap mo kaya naman nalaman namin,” sagot niya pa.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako kumbinsido pero hinayaan ko na lang. Baka napa-praning lang talaga ako dahil kulang din ako sa pahinga.
“Ayos lang naman siya,” maikling sagot ko sa kanya at saka dumiretso na ako sa kwarto ko.
Gusto ko na rin kasi magpahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya naman kailangan mamahinga ng utak ko kahit na ilang oras lang. May pasok na rin naman na kasi ako bukas kaya susulitin ko na ang araw ng pahinga ko.
Bago tuluyang pumukit ay nag-check muna ako ng phone kung sakali man na may importanteng messages. Minsan kasi ay nagbibigay sila ng announcements kapag hapon o hindi kaya gabi kaya naman kailangan ko muna mag-check ng mga messages bago matulog.
Sakto naman ay naka-receive ulit ako ng text mula ro’n sa lalaki. Ilang araw na siyang hindi nagte-text kaya akala ko ay tuluyan na siyang tumigil pero mukhang mali ako. Bakit ba naman kasi ang kulit ng lalaki na ‘to.
No’ng mga panahon na malakas ang loob ko ay nag-text na ako sa kanya na na-wrong send siya, kaya naman akala ko ngayon ay naintindihan niya ang sinabi ko dahil nga ilang araw na siyang hindi nagre-reply. Nag-goodnight lang naman siya kaya hindi ko na lang pinansin, bahala nga siyang mapagod kate-text.
At dahil wala naman masyadong messages ay pinatay ko na ang cellphone ko at tuluyan na akong nagpakain sa antok. Sana bukas, pagkagising ko, maging maayos na ang lahat.
-----
Bigla akong naalimpungatan sa sunod-sunod na katok na naririnig ko kaya naman kaagad akong bumangon para tignan kung sino ‘yon. Matapos tignan kung ayos lang baa ng itsura ko ay binuksan ko na ang pinto para tignan kung sino ang bisita.
Gano’n na lang ang laking gulat ko ng makita ko si Aaron sa labas. Kaagad ko naman siyang pinapasok dahil pansin ko na kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kapitbahay kong babae. Ito talagang mga ‘to, basta gwapo hindi nakakalagpas sa paningin nila.
“Maupo ka muna, ikukuha kita ng inumin,” wika ko at dumiretso na sa kusina.
Napansin ko naman na tinitignan niya ang buong apartment kaya hinayaan ko na lang siya. Kung alam ko lang na pupunta siya ngayon ay sana naglinis ako kahapon. Mabuti na lang at wala ‘yong tatlong multo kaya naman hindi ako naiilang.
Kapag may bisita pa naman ako minsan ay lagi silang nakabantay, kaya naman kapag pumupunta rito ‘yong mga kapitbahay ko ay lagi silang nakikinig sa usapan namin. Minsan ay nagsa-side comment pa sila kaya naman naiirita talaga ako. Minsan kasi ay kung umasta sila ay parang hindi sila matanda.
“Bakit ka pala napunta rito?” tanong ko sa kanya matapos kong maghanda ng juice. “Si Manang ba ang nagturo sa’yo nitong lugar?”
“Gusto ko lang makita kung saan ka nakatira. I haven’t see you in a while. And yes, kay Manang ko nalaman, tinanong ko siya,” sagot niya sa mga tanong ko.
“Anong kailangan mo?” diretsang tanong ko sa kanya.
Pakiramdam ko naman kasi ay hindi siya pumunta rito para lang tignan ang tinitirhan ko at para tanungin kung ayos lang ba ako. Hindi kami gano’n ka-close dahil bihira lang naman kami mag-usap, pero maayos naman ang naging pakikitungo niya sa akin kaya hindi ako ilang sa kanya.
“Narinig ko ‘yong mga sinabi mo kay Amber kahapon,” panimula niya at saka naupo matapos magtingin-tingin. “Narinig ko ‘yong pinag-usapan niyo.”
Bigla naman tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Nandito ba siya para magalit sa akin dahil sa mga sinabi ko sa kapatid niya kahapon? Isusumbong niya ba ako kay tita? Alam ko naman na hindi siya gano’ng klase ng tao pero nagtataka pa rin ako kung bakit talaga siya nandito.
“Galit ka sa akin? Galit ka ba sa akin dahil sa sinabi ko sa kapatid mo?”
“No. I know that you need to do that to be able to save her. And you did.”
Ewan ko ba rito kay Aaron, naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko tuloy matukoy kung ano ba ang kailangan niya sa akin at talagang sinadya niya pa ako rito.
“You must be wondering why am I here, right?”
“Yeah,” sagot ko. Nagulat tuloy ako sa sinabi ko. Dapat ay sa isip ko lang talaga ‘yon, nakakahiya tuloy. Pero mabuti na lang at hindi niya pinansin ang sinabi ko dahil muli siyang nagsalita.
“I do have a favor,” wika niya at tuluyan ng binaba ang basa at saka diretsong tumingin sa akin. “Please go back to the house.”
Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wala naman akong gagawin na ro’n sa bahay, so bakit naman niya ako gustong pabilikin.
“For Amber. Kahit ilang buwan lang, or hanggang sa maging maayos ang lagay niya. She… she needs someone whom she can talk to. And that’s you, Scarlett,” seryosong wika niya.
“Ayos lang ba kay Auntie Amanda?” paninigurado ko. Alam ko naman na ayos lang sa kanya pero mabuti nang sigurado, mamaya kasi ay pala-decide lang pala ‘tong si Aaron at hindi naman pala alam ng mama niya.
“Yeah. I already talked to her about this. And pumayag siya. Gusto niya rin na bumalik ka, lalo na at wala ka ring kasama rito sa tinutuluyan mo.”
“Kumusta na pala si Amber? Anong lagay niya?”
“She’s not fine, but doing good. Nabanggit na niya sa amin ang buong nangyari and we’re filing a case against his boyfriend.”
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at na-kumbinsi ko si Amber. Mabuti na lang din at naging malakas at matatag ang loob niya na magsabi sa pamilya niya. At sana lang ay mahuli at makulong ang pesteng lalaki na ‘yon. Dapat niyang pagbayaran ang ginawa niya sa pinsan ko.
“How… how was the b-baby?”
“She aborted it,” malungkot na wika niya.
Hindi ko naman maiwasan na malungkot para sa bata. Technically speaking, walang kinalaman ang bata, hindi niya ginustong mabuo siya, hindi niya piniling mabuhay. Pero hindi rin pinili ni Amber na mabuntis. Lahat ‘to ay kasalanan ng pesteng lalaki na ‘yon.
I’m against child abortion, pero para sa mga r**e victim na kagaya ni Amber, hindi ko alam ang sasabihin ko. Well, I’m fine with it. Kaysa naman na lumaki ang bata na kinamumuhian siya ng magulang niya. O hindi naman ay kutyain siya ng mga tao. May mga gano’ng cases kasi at ayaw kong mangyari ang gano’n sa pamilya namin.
“So… what’s your decision?”
Muli ko tuloy naalala kung ano ba talaga ang pakay niya. Actually, hindi talaga ako sigurado. Some part of me is fine with it, dahil alam ko na kailangan ni Amber ng makakausap. But some part of me is against. Hindi naman gano’n talaga kalayuan ang bahay nila, pero maapektuhan ang pag-aaral ko.
“Aabutin ako ng ilang minuto sa byahe kapag papasok sa klase. At mas malayo na sa trabaho ko kaya naman hindi ako makakapag-half day kapag kailangan. Sayang din ‘yong pamasahe sa araw-araw na pag-byahe. Hindi naman pwedeng lakarin dahil masyadong malayo.”
At napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam, hindi ako makapag-decide. Naguguluhan ako, pero kung iisipin ko lang ang sarili ko, paano si Amber?
“Kung problema moa ng pamasahe at pagbyahe, don’t worry, pwede kitang ihatid papasok or sunduin. Anything fits with you.”
“Huh?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Ang lakas naman ng radar ng sixth sense niya kung gano’n.
“You said it. Napalakas ata ang pagsasabi mo, I believe,” and that’s it. Lupa, kainin mo na ako.
Nakakahiya. Nakakahiya ka Scarlett.
“Hindi. Hindi naman sa gano’n, iniisip ko lang ‘yong trabaho ko,” paliwanag ko sa kanya para naman hindi na ma-misinterpret ‘yong mga sinabi ko.”
Hindi ko naman kasi alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Dapat ay sa isip ko lang ‘yong. Sinabunutan ko tuloy ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Pero imaginary lang, baka isipin pa niya ay nababaliw na ako.
“Pwede bang pag-isipan ko muna? Kung daldalaw-dalaw lang kasi ako sa inyo ay ayos lang naman sa akin, pero kung do’n na muna ulit ako titira ay kailangan kong isipin ‘yong trabaho ko at ‘yong bayad ko sa renta. Hindi naman kasi pwede na umalis ako pero hindi ako nakakabayad,” paliwanag ko sa kanya.
“Yes, I understand. Then, I’ll come back later, after your class, okay? Kung decided ka na ang everything is okay with you, pwede natin pag-usapan ‘yong mga concerns mo. If not, it’s also okay,” napatango naman ako sa sinabi niya.
Mas mabuti nga kung gano’n, makakapag-isip ako. Masyado naman kasing biglaan ang offer niya kaya hindi ako nakapaghanda.
“Then, I’ll go ahead. Tatawagan na lang kita mamaya, okay?” tumango naman ako at sinamahan na siya palabas ng pinto.
“Yes, thank you. Pasensya na hindi na kita mahahatid sa baba, kailangan ko na kasing maghanda dahil may pasok pa ako.”
“Sure, no worries. You can text me na lang kung what time ka free para pupunta kita rito.”
“Okay, ingat ka,” paalam ko.
Nang masigurado kong nakababa na siya ay isinarado ko na ang pinto pero biglang may humarang na mga kamay. Oo mga kamay, ang dami kasi nila.
“Ate girl, sino ‘yong gwapong popsicle na ‘yon?” tanong ni Brenda, ‘yong kapitbahay ko sa katabing apartment.
“Jowabels mo ba ‘yon, bebe girl?” dagdag pa ni Britney, ‘yong baklang roommate ni Brenda.
“Hindi ko siya jowa at hindi rin siya popsicle. Pinsan ko ‘yon at hindi na siya pwede.”
“Ay, may jowabels na?”
“Hindi ko alam.”
“Eh bakit hindi na siya pwede?”
“Kasi sabi ko. Do’n na nga kayo sa kwarto niyo,” sita ko sa kanila at umarte pa ako na pinaalis sila.
“Bakla ka!” maarteng wika ni Britney habang pakembot-kembot na bumalik sa apartment nila.
Natawa na lang tuloy ako sa inasta niya. Lakas makasabing bakla, eh siya nga ‘tong bakla sa aming dalawa. Baliw talaga.
Ay bakla! Hindi ko na napansi ang oras, may pasok pa pala ako. Maaga pa naman pero dahil mabagal akong kumilos ay kailangan ko ng mas mahabang oras para maghanda. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis nang naghanda papasok.
Ano ka ba, Scarlett, inuuna mo pa kasi ang chika. Sermon ko sa sarili at saka dumiretso na sa banyo para maligo.