Ysa's POV "Anak?" Tawag sa akin ni Papa. Ngumiti ako kaagad kay Papa at lumapit. Nasa rancho ako ngayon at nagpapakain ng mga kabayo. "Papa, bakit ka nandito?" Ani ko. Kahit na may sakit si Papa, he always make sure na maayos ang pamamalakad sa rancho at farm niya. Pinipilit nitong maging masigla para hindi halata na may sakit siya. "Nakakabagot sa bahay, Anak. Tsaka exercise na rin," ngumiti ito sa akin. Tiningnan ko kung may kasama siya-- "Nasa labas si Attorney." May halong tukso ang boses nito. "H-ha?" Malapad na ngumiti si Papa, "sinama ko na si Attorney. Ang sabi sa akin ni Juan ay iniwan niya raw dito kahapon si Attorney." "A-ah, opo. Nagkakera kami kahapon. Magaling pala siya." Bahagya akong napangiti. My Father smiled at me teasingly. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Nap

