Ysa's POV Pauwi na ako galing sa rancho ng makita ko si Manong Juan kasama si Damian. Nakasunod sila sa kalabaw na hila-hila ang karo na may lamang kahoy. "Oh, Ysa. Pauwi ka pa lang?" Tanong ni Manong sa akin. Napatingin naman sa akin si Damian. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin si Manong habang naglalakad kami. "Opo. Hindi ko napansin ang oras." Sagot ko sa kanya. Mag-aalas kuwatro na kase. Usually ay bago mag alas tres ay nasa bahay na ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves at tinali sa bewang ko, nakasuot nalang ako ng sleeveless top ko. Ang init pa rin kahit mag-aalas kuwatro na. "Sinama ko si Attorney. Nangahoy kami." Ani Manong. Mahina namang napatawa si Damian. Parang may naaalala itong nakakatawang nangyari. "And I almost killed myself." Naiiling na w

