Ysa's POV Unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Ang iba ay may dala pang mga prutas at gulay para kay Papa. Tuwang-tuwa naman si Papa sa mga trabahante niya. Kilala si Papa rito sa amin na masayahin at palakaibigan. Hindi siya matapobre at madaling lapitan. Kaya natutuwa ako na maraming nagmamahal kay Papa. Nandito lang ako sa hindi kalayuan at nakatanaw kay Papa na nakikipag-usap sa mga tao. Malakas itong tumatawa habang kausap niya ang mga trabahante niya. "Maraming nagmamahal sa Papa mo. Look at him, giliw na giliw sa kanya ang mga trabahante niya." Ani Damian at tumabi sa akin. Napatango ako, "he is friendly. Lahat nga yata ng tao rito ay kaibigan niya." Sagot ko sa kanya. "Kailan kayo babalik ng hospital?" Tanong ni Damian. "Hindi na. Alam na ni Papa na hindi na siya magagamo

