Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful,

