Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hin

