"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?" Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love

