Bella's POV Napangiti ako ng makita kong titig na titig sa akin si Damian habang nakaupo ako sa lap niya. Sobrang saya ko dahil naaalala ko na siya. Hindi na siya isang estranghero para sa akin. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Baka matunaw ako sa titig mo." Biro ko. Kaagad siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Ang akala ko ay matatagalan pa bago mo ako maalala. Akala ko ay pahihirapan mo pa ako." Aniya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko. I smiled. Alam kong nahihirapan siya noong mga araw na magkasama kami sa probinsya. Sino ba naman ang hindi? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan at masasaktan din ako kapag dumating ang araw na hindi ako maaalala ni Damian. "Babawi nalang ako sa 'y

