SINULYAPAN niya ang kanyang bunsong kapatid na lalaki na natutulog sa sala na nakayakap sa laruan nito. Tiningnan ni Jenny ang orasan. Napabuntong – hininga na lamang siya noon. Hanggang ngayon tinititigan pa rin niya ang larawan ng kanyang ina at kasama nito sa larawang kanyang nahalungkat noon. Malapit na ba kami sa katotohanan? Napatanong sa kanyang isipan noon. Kaya nama’y patuloy kaming naghahabulan sa katotohanan na mailap sa amin? Napabuntong – hininga na lamang siya kapag naiisip niya iyon. Tumayo siya nang may nararamdaman siyang mga matang nakatingin sa kanya, kaya naman agad niyang tiningnan kung sino ang mga matang nakatingin sa kanila noon. Hindi maiiwasang dumaklot ang kaba niya, dahil baka, nalaman din ng mga kalaban ang kani – kanilang mga lihim noon. Kumalma ka, Jenny.

