“KUMUSTA?” biglang tanong ni Vince kay Thalia na tahimik lang nakamasid sa mga tanawin noon habang umiinom ito ng gatas. “Okay naman po, kuya.” Matipid nitong sagot. Tiningnan naman niya ito. Should I tell her about what happened yesterday’s night? Napatanong naman sa kanyang isipan, kung ibabahagi ba niya ang nangyari na muntikan ng mapahamak ang dalawa, at mabuti na lamang ay agad itong nakita nila nang gabing iyon. Binaba na muna niya ang kapeng kanyang iniinom at inihipan niya ang mainit niyang kape. Naghalumbaba naman siya. “Kahapon,” nagsimula niyang kwento. Naagaw naman agad ni Vince ang atensyon ng kanyang kausap, kaya naman napabaling na lamang ito sa kanya, tahimik lang siyang tinitingnan. “Muntik ng mapahamak sina Chesca at Ericka.” Nakita pa niyang napakunot ang noo nit

