CHAPTER THREE SO EVERYTHING inside this forest is enchanted, huh. Nakakamangha. Sana may maganda akong robe na maipapatong ko rito. Nang isara ko na ang pinto ng aparador ay bumagsak pa sa mukha ko ang isang malambot na tela. “What?” Nang tingnan ko iyon ay isa palang puting robe na malambot ang tela at parang kumikinang pa. Okay. Napabilib mo na nga ako, Prince. Matapos kong makapagpalit ay hindi maalis-alis ang tingin ko sa salamin. Did I ever look this hot once in my life? No. Ngayon pa lang yata. I always appear to be the prim and proper type. Nagpasya na akong lumabas at hinanap ang kwarto ni Prince. Sa isang silid na katabi lang ng silid ko ay nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto niyon. I assumed na iyon na nga ang kwarto niya. Dahan-dahan akong pumasok. Napamangha ako. Hin

