CHAPTER FOUR “GUSTO KO rin na nandito ka, Belle,” sabi naman niya. My hands reached for his buttons but he caught them. “Ano’ng ginagawa mo?” Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Gusto kong makita ka, Prince. Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng makapal na damit na `to.” “Baka hindi mo magustuhan ang makita mo,” puno ng pag-aalangang sabi niya. “May tiwala ka naman sa `kin, 'di ba?” Hindi siya tumugon. Marahan kong pinalis ang kamay niya at sinimulang tanggalin ang pinakaitaas na butones niya. Ang totoo ay abot-abot ang kaba ko habang ginagawa iyon. Kinakabahan ako sa makikita ko pero hindi ibig sabihin na natatakot ako. Kinakabahan ako na excited. “Alam mo ba kung ano ang napanaginipan ko noong unang gabi ko rito?” “Na sinasaktan kita?” “Hindi totoo `yon. In my dream, y

