“Kj, musta na ang paa mo?”, tanong ni Sherwin
Nandito ako ngayon sa school, nangyari kanina?
Ganon pa rin naman, pinatapon nya yung mga niluto ko. Wala namang pagbabago, sanay na naman ako eh.
“Ayos na, hindi na masyadong masakit,at tsaka hindi naman Malala to eh.”, sabi ko
“Mabuti naman.”, sabi ni Tyler
“Nandyan na sya.”, sabi ni Steven
Lumingon ako.
Nandyan na sya.
Si Larry.
“Morning guys.”, bati nya
“Morning din,”, sabi ko
Mabuti pa si Larry palaging good vibes. Magkaiba talaga sila ni Kurt.
“Kj, ayos ka na ba?”, tanong ulit ni Larry
“Oo,”, sagot ko
“Magccr muna ako ha.”, sabi ko
Papunta na ako sa pinto.
Bubuksan ko n asana.
Nang may unang nagbukas ng pinto..
O_O
Bumilis ang t***k ng puso ko
Sya
Sya ang nagbukas ng pinto.
Pero
Iniwasan nya lang ako, at dumiretso sa pagpasok sa classroom.
Parang estatwa lang ako..
Ano pa bang aasahan ko?
Na papansinin nya ko?
Hindi na talaga mangyayari yon.
Walang pagasa.
Kaya lumabas ako ng kwarto at pakiramdam ko kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito.
(Larry’s POV)
Nakita ko yung nangyari kanina
Parang ako yung nandon kanina
Napansin kong nasaktan si KJ sa ginawa ni Kurt.
Ang sarap talaga suntukin ni Kurt eh.
Pero nagpipigil lang ako
Naiinis ako
“Kurt magusap tayo.”, sabi ko
“Why?”, tanong nya
“Basta.”, sabi ko
Sumunod sya sa rooftop.
Nakatalikod lang ako sa kanya.
Ayokong magawa ko sa kanya to
Nagpipigil lang talaga ako eh.
“May problema ba?”. Tanong nya
“Tungkol kay KJ.”, sabi ko
“Why would we talk about her? Any to----“
Hindi ko na napigilan, nasuntok ko na sya.
Sobra na.
Kumukulo na ang dugo ko eh
“The h*** is your problem?”tanong nya
Sinuntok ko sya, kaya di natapos ang sasabihin nya, hirap pigilan eh.
“Yan ang problema, mapride ka, akala mo kung sino ka, pati babae nagagawa mong saktan. Lalaki ka ba talaga?. Just a friendly advice, Kurt, pahalagahan mo ang taong nagpapahalaga sayo, dahil baka magsisi ka baling araw pag nawala sya .”, sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa kwelyo
“Kulang pa yan.”, sabi ko
Naglakad ako palayo
Alam kong galit sya, pero wala akong pakialam, akala nya siguro natatakot sa kanya.
Ang gusto ko na lang gawin ngayon, bantayan at pasayahin si KJ
Kundi nya magagawa pasayahin si KJ, ako ang gagawa.
(KJ’s POV)
*UWIAN*
“KJ.”, tawag ni Larry
“Larry.”, sabi ko
“Hatid na kita?”, sabi nya
“Ha?”, tanong ko
Nahagip ng mga mat ako si Kurt, may kasama syang babae.
Yung babae nung isang araw
Sana sila na lang yung nagging magasawa, kasi pinahahalagahan sya ni Kurt eh.
Pero nagulat ako nung hinila ako ni Larry papunta sa kotse nya
“Wag mo nang pansinin yun pinsan nya lang yun.” Sabi nya
Parang gumaan ang loob ko. Mabuti naman
“Gusto mong mamasyal muna?”. Yaya nya
Minsa lang naman sya mangyaya eh
Kaya pumunta kami sa mall
Binilhan nya ako ng stuffed toy, paborito ko to eh.
Kumain kami ng ice cream, halo-halo at spaghetti.
Ang saya kasama ni Larry
Sana ganito din si Kurt, edi sana palaging masaya.
Kaso hindi na nga talaga siguro mangyayari yun eh.
Pauwi na kami pagkatapos naming mamasyal
Nakasandal ako dito ngayon sa kotse nya at pumikit muna.
“Anong pangalan mo?”, tanong ng batang lalaki.
“Kierra.”, sagot ng batang babae
“Ba’t ka nandito?”, tanong ulit ng batang lalaki
“Nawawala kasi yung puppy ko eh.”, sabi ng batang babae
“Liana ng pangalan ko, gusto mo tulungan kitang hanapin yung puppy mo?”, tanong ng batang lalaki
“Talaga?”, gulat na tanong ng batang babae
“Oo tara hanapin na natin.”sabi ng batang lalaki
Hinanap nila ang puppy ng batang babae.
Sila na naman?
Sino ba talaga sila Kierra?
Sino ba talaga si Kurt?
Ba’t palagi na lang ganito?
Ang gulo
Sino ba sila?
“Kj, gising na.”,
Nagising ako bigla nang marinig ang boses ni Larry
“Ah nandito na tayo?”, tanong ko
“ang saya siguro ng panaginip mo no?”
tanong nya
“eh?”, tanong ko
“Halos dalawang oras ka ng natutulog dyan eh. Kaya ginising na kita , may problema ba?”, sabi ni Larry
Dalawang oras?
Gaano katagal yon?
Ano bang nangyayari sakin?
Ba’t ganito?
“ayos ka lang ba?, hindi ka pa ba tapos managinip saken?”, tanong ni Larry
Minsan may pagkasaltik din tong si Larry eh no
Kaya napatawa ako.
“Hindi ikaw ang panaginip ko.”, sabi ko
“Okay, okay, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako ha.”, sabi nya
“sige bye, salamat, Larry.”, sabi ko
Umalis na si Larry
Pumasok ako sa loob ng bahay.
Tahimik parin
Hala 7:0 pm na pala.
Magluluto muna ako.
Dumiretso ako sa kusina.
Pero bago pa ako pumunta may narinig na akong naguusap
“Itapon mo lahat ng niluto nya, kaninang umaga.”, sabi ni Kurt.
“Pero sir saying naman ang mga niluto ni Ma’am Kj.”, sabi ng maid
“Will you do what I said or do you want to get fired?”, sabi ni Kurt
Bakit pag si Larry ang kasama ko ang say ako
Pero pag si Kurt ang kasama ko palagi na lang akong nasasaktan?
Di ko sya maintindihan
Pero ginagawa ko ang lahat para maintindihan ko sya.
Saying ang mga pagkain
Maraming nagugutom sa kalsada pero sya nagsasayang ng pagkain.
Hindi ko na lang ako magluluto ulit.
Baka itapon nya na naman.
Lilinisan ko na lang ang kwarto nya at lalabhan ang mga damit nya para mabawasan ang init ng ulo nya.
*KINABUKASAN*
Walang klase ngayon kasi may school conference ang mga teachers
Kaya naisipan kong maglinis ng bahay, sisimulan ko sa kwarto ni Kurt.
Pumunta ako sa kwarto nya
LOCK.
Hinanap ko ang susi sa kwarto nya
*hanap*
*hanap
*hanap*
*hanap*
Aha, nasa ilalim lang pala ng carpet na nasa tapat ng kwarto .
Hindi naman siguro magagalit si Kurt eh
Lilinisan ko lang naman ang kwarto nya eh.
Pagbukas ko ng kwarto nya
O_O
Ang linis ng kwarto nya hindi tulad ng ibang lalaki na burara
Lumapit ako sa kama nya.
Mas malinis to kaysa sa bagong lipat kami noon.
May nakita akong picture frame.
May babae at lalaki, mga bata silang dalawa
Parang pamilyar.
Masayang-masaya sila sa picture
tapos may
May batang babae na nakangiti
Tapos yung isang picture frame may letrang L at K
L ?
At
K?
Sino yun?
Kinuha ko na lang ang mga damit ni Kurt sa CR at sinimulan ang paglalaba.
“Ma’am hindi po ba kayo gagamit ng washing machine?”, tanong ng maid
“hindi, na hindi ko naman alam kung pano gamitin yan eh.”, sabi ko
Wala samin yan eh, bale dun samin de-kamay ang paglalaba.
“tulungan ko na po kayo dyan?”, sabi nya
“Ah hindi na ako na lang, kaya ko naman eh.”, sabi ko
“Sigurado po kayo?”, tanong nya
“Opo,”,sagot ko
Kinusot ko ang damit ni Kurt para pumuti ang polo nya at maging malinis.