Chapter 1
"Lian, tulungan mo ko !" sigaw ng batang babae.
"KIERRA!" Bigla namang sumigaw ang isang hindi ko kilalang batang lalaki.
"Wag!"
*BANG*
"Wag!", sigaw ko
Ano yun?
Sino si Kierra?
Sino si Lian?
Sino yung mga batang yun?
Panaginip lang pala. Akala ko kung ano na. Napabuntong-hininga ako dahil parang totoong-totoo yung panaginip na yun. Pero sino ba sila?
Nagstretch muna ako bago bumangon at tumayo. Napatingin ako sa bintana at napansin na umaga na pala. Inaantok pa naman ako.
Dumako ang mata ko sa maliit na orasan na nakadikit sa dingding.
Bigla na lang akong napasigaw nang makita ang oras!
6:30am na! May flag ceremony pa naman ngayon. Monday na Monday tapos late!
45 minutes na lang kaya nagmadali akong magbihis. Ayokong ma-late first day ko pa naman. Yan tutulog-tulog pa!
Dali-dali akong lumabas sa kwarto.At nakasalubong ko si nanay. Mukhang bagong gising pa eh no.
"Nay, Nay, una nako ha."paalam ko, habang nagaayos na ng gamit ko.
"Nak san ka pupunta?", tanong nya, at humikab pa sya na para bang kulang pa ang tulog nya.
"Nay may klase po ako ngayon, first day ko nga po eh."sabi ko. At hindi na talaga ako mapakali. First day pa naman ng klase. Ayokong malate no.
"Eh?"tanong na na para bang hindi ya nainform na may klase ako ngayon.
"Oo nay sige una nako."sabi ko
"Nak almusal ka muna, "yaya nya. At nagsimula na syang magayos ng lamesa pero napaisip ako na baka tuluyan na akong malate kapag kumain pa ako.
"Hindi na nay, dun na lang, bye."paalam ko, at nagsuot na ng sapatos. Sinuot ko na rin ang bag ko.
"Sige nak , ingat ka."sabi nya.
Lumabas na ko ng bahay at tumakbo papunta sa paradahan ng jeep, tiningnan ko ang Samsung Galaxy S5 ko, joke hindi. Poor phone lang to no. 6:55 am na. Patay na talaga ako late na ako.
Tiningnan ko ang wallet ko, P 50 lang ang baon ko. Okay na to magtitipid muna ako, simula ngayon. Magjejeep na lang muna ako ngayon tapos mamaya paguwi maglalakad ako.
Yes! may jeep na. Sasakay na sana ako, pero may matanda.
"Sige nay una na lang po kayo."sabi ko. At inalalayan ko syang sumakay ng jeep. Yan ang sabi sakin ni nanay pahalagahan ang mga matatanda.
"Salamat hija."sabi nya at nginitian nya pa ako, kaya nginitian ko rin sya.
"Sorry miss sa sunod na lang na jeep, puno na eh."sabi ng konduktor.
Ano?! Ba't ba ang malas ko ngayon?
Badtrip naman! Anong gagawin ko?
"KJ!"
Mukhang kilala ko kung sino yun ah! Agad akong napalingon at nakita ko ang bestfriend ko. Si Alliana!
"Alliana!"tawag ko
Si Alliana nga pala bestfriend ko, ang matalik kong kaibigan dito sa lugar namin. Malayo ang agwat namin, kasi mayaman sya, mahirap lang ako, pero kahit na ganun tinuturing nya pa rin akong tunay na kaibigan. Saan ka pa makakakita ng ganyan ka loyal na bestfriend?
"Papasok ka na?"tanong nya kaya tumango ako.
"Oo."sabi ko
Si mama naman kasi pwede naman akong pagaralin sa public school pero pinagaral pa ako sa isang engrandeng eskwelahan. hindi naman ako bagay don eh. Pero dapat ngayon kapalan ko na talaga ang mukha ko para di ako malate.
"Uhmm. Ali "tawag ko sa kanya, kailangan kong gawin to para hindi ko malate.
"Yes. KJ?"tanong nya at para bang nahulaan nya na ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Pwedeng makihiram ng bike?"tanong ko at nginitan ko sya para mas makumbinsi ko syang pahiramin ako. Mabuti na lang talaga may mabait akong bestfreind.
"Salamat tseb"sabi ko
Pinahiram nya ako ng bike. Yes sa wakas. Sana hindi talaga ako malate.
After 1 decade, nakarating din. Pero teka lang mukhang magsasarado na ang gate! Binilisan ko pa ang pagpedal baka masaraduhan ako dito, masama yun no.Di ko alam kung pano ko nagawa yun pero nakalusot ako sa gate ng school.
Pheww. Pinark ko muna ang bike ni Alliana sa tabi. At napatingala ako sa kabuuan ng school. At talagang napanganga ako. Ang laki pala kasi nitong school eh. Ang laki ng Marasigan-Santos University, ang laki at ang ganda.
Parang palasyo to ah. Sus, ang ganda talaga, baka maligaw ako dito.
Naglakad muna ako papasok, ang taas ang ganda ng mga designs, ang yaman siguro ng may-ari nito.
Nang bigla akong nabunggo sa kung anong bagay. Kaya napatingala ako at nagulat ko na isang lalaki pala ang nakabunggo saken.
"Aray.",daing ko
"What do you think you're doing huh?, Crazy girl?."tanong ng babaeng nakabangga ko.
"Sorry di ko sinasadya."sabi ko
"Sorry isn't enough,now kneel down and say sorry."sabi nya
Kahit kailan hindi ako lumuhod sa harap ng isang walang kwentang tao, at walang modo na tao.
I didn't intend to sell my pride to some trash. Joke lang.
"Lumuhod ako? Sobra-sobra naman ata yon."sabi ko
"Why? Is there any problem with that?" tanong ng isa.
"Alam nyo kayo na nga tong bumangga sakin eh. Ano to joke? Tapos luluhod pa ko?"sabi ko
Sinamaan nila ako ng tingin.
"Do you know who's you're talking to?"tanong ng isa.
"Do you know who are we?"tanong ng isa.
"Huh? "tanong ko
Hala galit na sila baka kung anong gawin nila sakin. Napapikit na lang ako sa takot.
"Jenine, that's enough." Boses ng lalaki.
Kaya lumingon ako, sino kaya yun?
Sino sya? Ba't parang tumigil ang mundo ko?
Ba't parang bumilis ang t***k ng puso ko?
Ba't parang kilala ko sya?
Ba't kaya ang gwapo nya?
"K-Kurt."sambit ng babae
Kurt ang pangalan nya? Ang ganda, simple lang pero ang ganda pakinggan.
Kurt.
"Bullying is against the rules, right?"tanong nya.
"P-pero."
"Leave her alone."sabi nya.
Kaya umalis yung tatlong babae, mabuti na lang dumating sya kung hindi baka napa-clinic na yung tatlong yon, hindi porke nerd ako, hindi ko kayang lumaban no. May weakness lang talaga ako.
"Are you okay?"tanong nya
Speechless, anong isasagot ko?
"Hi."bati ko.
"Transferee ka?",tanong nya.
"Ah oo."sagot ko
"Kurt, Kurt Jullian Marasigan, and you are?" sabi nya.
Kurt. Jullian. Marasigan.
Teka lang sya ba yung may-ari nitong school?
Baka sya nga.
"Kj, KJ, Mendez, teka lang ikaw ba ang may-ari ng school na to?"tanong ko
"Nope its my father's."sagot nya
Ah so ang papa nya ang may-ari nito. Ang yaman pala nila kung ganon.
"Are you a freshman college?"tanong nya
"Ah, oo freshman college din ako, ikaw?"sabi ko.
"We're the same then, "sabi nya
"Nice to meet you, "sabi nya
Sabay shakehands, ang gwapo talaga nya.
Parang nanlamig ako. Ang gwapo eh ang lambot din ng kamay nya. Mabait, gwapo, matalino mayaman, ano pang hahanapin ko, ito na ang ideal man ko, hay!
Sana sya na.
Gusto kong sumigaw pero nagpipigil lang ako nakakahiya sa kanya.
Hawak-hawak ko pa rin ang kamay nya nung nagsalita sya.
"Uhm. KJ I think I need to go now." sabi nya at umalis.
Sayang moment na yun eh. Dun ko lang na-realize na kanina ko pa hawak-hawak ang kamay nya. Binitawan ko na lang nakakahiya eh.
"Sige, salamat."sabi ko
"See you around."sabi nya
Napangiti na lang ako dun, hindi ko nga alam kung bakit eh ano?
Dahil ba gwapo sya o sadyang tadhana lang?
Pero wag kang umasa KJ, mahirap ka, mayaman sya, langit sya , lupa ka wala akong school na pagmamayari ko, pero sya meron.
Pero magsisilbi syang inspirasyon ko sa school na ito.
Dumiretso na ako sa room ko. 1st section ako
1ST YEAR - RED
Ito na siguro yung room ko. Kaya pumasok ako, kaso ang g**o ng lamesa ang mga upuan. Nagbabatuhan ang mga setudyante ng papel.
Hindi ko maintindihan ang g**o talaga. Umupo ako sa pinakadulo para makaiwas sa g**o nila.
Parang hindi college tong mga to ah, parang kinder lang eh. Nang may pumasok na isang babae na naka-skirt na maiksi.
"Lumayas ka dito, panget!"sabi nila
at pinagbabato ang babae ng papel, ang sama nila.
Gusto kong sawayin ang mga to kaso baka ako ang batuhin eh.
Pero kailangan ko syang ipagtanggol.
"Hoy, wag nyo syang batuhin!"sigaw ko
parang hangin sila,ang bilis lumingon sakin.
patay tiningnan nila ako ng masama.
_____
"Wag ka ng babalik dito kung ayaw mong tamaan ha."sabi ng lalaki
Pinalabas nila ako ng room kaya naglakad ako maghahanap na lang ako ng room, na papasukan.
1ST YEAR - BLUE
Ito na siguro yung section 1 nila. Kaya pumasok ako sa loob, nakita ko ang teacher sa harap, maganda sya.
"Are you gonna stare at me for the whole hour?", tanong nya
May pagkasuplada din pala to eh.
"Eh?"tanong ko
"Introduce yourself."sabi nya
"Ah, ako si KJ Mendez, nice to meet you, guys."sabi ko sabay wave ng kamay. Pero wala man lang silang kahit anong reaksyon.
"Take your seat now."sabi nya
Kaya umupo ako sa pinakalikod. Pero may nakaagaw ng pansin ko kilala ko to ah.
Nasa pinakadulo ako ng row at sya ay ganun rin. Nandito sya?
Ibig sabihin magkaklase kami?
Nagulat ako nung tumayo sya at inexplain ang lesson, talino pala nya.
Ang talino nya talaga grabe, pinagmasdan ko lang sya hanggang sa matapos ang discussion.
Ito ba yung sinasabi nilang tumitigil ang mundo mo pag nakita mo yung taong gusto mo?
CRUSH?
After class, dumiretso ako sa canteen nagugutom na ko, ,wala pa naman akong almusal. Gusto ko ng kumain. Tumigin ako sa pagkain.
Ang mahal naman nito grabe naman ang presyo parang 1 month allowance ko na to ah.
Talagang pangmayaman tong school wala akong masabi.
Maglilibotlibot na lang ako, para maging pamilyar ako sa lugar, para din di ako maligaw diba?
Naglalakad ako sa school grounds dala-dala ang bag ko.Grabe gutom na talaga ako, eh no.
Walang almusal, walang recess, siguro wala na ring tanghalian.
Malas ko talaga ngayon eh no?
Pero napatigil ako sa nakita ko.
Nakita ko nanaman sya, pero ngayon may anim ng lalaki na sumusunod sa kanya . gwapo rin pero mas gwapo si Kurt no.
at nagtilian ang mga babae.
"AHHHHHHHHHH!!!!!."sigaw nila
"Ang gwapo talaga nila."sabi ng isa
"Oo, lalo na si Kurt , my loves ang gwapo talaga , pati na rin si Larry, gwapo ."
"Oo, pati si Sherwin!"
"Yes and Tyler at si Brian."
"Wag kakalimutan si Michael at Steven, gwapo talaga nila!"
"Nandyan na ang M7!"
M7?
Ano yun?
Para lang silang nakakita ng multo, dahil sa sigawan nila.
UWIAN
After class maglalakad na lang ako pauwi wala na kong baon para bukas kung mag-jejeep bukas. Ay may bike pala ako muntik ko ng malimutan.
Kaya nagbike ako, minsan nakakainggit sila kasi nakakotse pa sila tapos sinusundo pa sila ng mga magulang nila, pero poor kid ako.
Pero kuntento na ako kung anong meron ako.
BAHAY
"Nay, nandito na ko."
Teka lang nasan si nanay ?
Umalis ba sya?
nagring ang cellphone ko.
'Nak gagabihin ako ng uwi mauna ka na lang kumain dyan, may ulam naman na dyan eh okay?'
Gagabihin ng uwi si nanay? Mgrereply na sana ako pero naalala ko, wala nga pala akong load.
(Someone's POV)
"I'm happy you accept my invitation … and to be direct."
"Natanggap ko po ang imbitasyon mo."
"Very well then., I want to tell you something."
"Ano po yun?"
"I want your daughter to be married with my son."
"Eh ang anak ko ipapakasal sa anak nyo??, pero masyado pa syang bata para magpakasal."
"I will provide for their living expenses Mrs. Mendez, no need to worry."
"Ganon ba?"
"The wedding will be on Friday, and tomorrow I want your daughter to meet my son."
"Are we clear?"
"Yes master."
"You may go now."
Noon napagkasunduan namin ni Mrs. Rivera na ipapakasal namin ang anak namin para mapanatag ang loob nya..
Kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod.