Chapter 2

1003 Words
(KJ's POV) Naglalakad ako papunta sa room ng may makabangga ako "Aray"daing ko "Ayos ka lang?", tanong nya Tumingala ako para Makita kung sino ang nakabangga sakin. "Ah oo", sagot ko. "Sorry" Sabi nya "Ay ayos lang.", sabi ko "Ako pala si Larry. Larry Edd Morales", sabi nya "Ah kj. Kj Mendez.", sabi ko "Nice to meet you.", sabi nya "Nice to meet you din . Sorry ulit…", sabi ko "Larry." Yung boses na yun, kilala ko kung kanino yun. Parang kay… Kay… Kay… Sa kanya… Tama… Sa kanya… "Kj. Ui nandito ka rin pala. Goodmorning", bati nya "Ah eh hehehe. Goodmorning?" Nauutal ako, ano bang dapat kong sabihin? "May kailangan ka?", tanong nya "Ah wala..hehehe.", sabi ko Para tuloy akong baliw. Pero nagulat ako ng bigla syang ngumiti. Ang gwapo nya pala pag ngumingiti eh. (Larry's POV) Hi guys, ako nga pala si Larry Edd Morales, ang second most handsome student sa MSU. I'm not joking because I'm dead serious guys. Kaso nga lang mas gwapo si Kurt sakin eh. Kaya magpapaubaya ako. Pero teka lang balik nga tayo, ngumiti si Kurt? Sus kailan pa nangyari yon? "Teka lang teka lang..kailan pa natutong ngumiti ng isang Kurt Jullian Marasigan??", tanong ko For the first time nakita kong ngumiti si Kurt, napakalungkot at napakaseryoso kasi ng taong to eh, di naman friendly ang itsura pero gwapo to no. "Tara na nga.", yaya ko "Sige KJ. See you around"sabi ni Kurt. Aba pumupoints tong si Kurt ah..grabe naman tong taong to. Nakita kong tumango lang si Kj. Walang duda, kahit nerd sya maganda naman sya eh, *LUNCH* "Hoy mga ulol.paupuin nyo si Kj!.", saway ko sa kanila. Para kasing mga bata eh. "Miss. Dito ka na lang umupo sa tabi ko….", sabi ni Sherwin "Hay miss wag kang tumabi dyan.. babaero yan..",asar ni Tyler Nang biglang tumawa si Brian. Yan na magaaway na naman tong mga to. Kaya binatukan sya ni Sherwin "Problema mo pre?", tanong ni Brian "Pwedeng wag kang tumawa." Sabi ni Sherwin "Pano kung gusto ko."sabi ni Brian "Enough of it.. hindi na kayo nahiya na may babae kayong kaharap… youre acting like a child." O________O ang reaksyon naming anim sa sinabi ni Kurt. Grabe parang tinamaan si Kurt kay Kj ah. Sa wakas magkakalove life na ang bestfriend ko.. (KJ's POV) Ang saya kasama ng M7, si Steven, Michael,Brian, Tyler, Sherwin, Larry at si Kurt Kaya pala M7 kasi ang apelyido nila nagsisimula sa letter M. Ang ganda ng pangalan ng grupo nila, at talagang hinahabol-habol sila ng mga babae sa school walang duda. BAHAY "Nay nandito na po ako."sabi ko Nakita ko si nanay na nakasuot ng dress, ang ganda naman. "Nay san ka po pupunta?", tanong ko "Hindi lang ako anak. Kundi tayong dalawa"sabi nya "Eh saan naman po nay?"tanong ko "Suotin mo to anak.", sabi nya May binigay sya sakin na dress ang ganda naman. "Eh nay san nyo naman po to nabili?"tanong ko. "Basta anak suotin mo na"sabi nya Mapilit talaga tong si nanay, kaya sinuot ko ang dress at lumabas kami ng bahay. O_________O Reaksyon ko ng makita kong may kotse sa tapat ng bahay naming. Kanino naman tong kotse na to? "Nay kanino po to?", tanong ko "Diba anak matagal mo ng gustong sumakay dito?", tanong nya "Opo nay pero pano po to napunta dito??kanino po to?", tanong ko "Basta anak. Sakay na"sabi nya Sumunod na lang ako kay nanay, at sumakay ako sa kotse at tumigil kami sa harap ng L' Fisher's Hotel? Weh?' Pero ba't andito kami? Anong gagawin naming dito ni nanay? Pangmayaman to ah. "Nay ba't tayo andito?, pwede namn po tayo sa karinderia na lang kumain di naman kailangan dito eh.", sabi ko "Nak wag ka munang magtanong malalaman mo rin mamaya kung bakit andito tayo, okay?" Kay pumasok kami sa loob, pinaupo kami ng waiter sa harap ng isang lalaki at isang babae. "Goodevening po.", sabi ko "Goodevening hija, you're beautiful just like you're mother.", sabi ng lalaki Kaya ngumiti si nanay "Dad." Teka lang parang pamilyar yung boses na yun ah. Parang kilala ko kung kanino yun Kaya lumingon ako para makasigurado. "Kurt come here.", sabi ng lalaki Kaya lumapit sa kinauupuan namin si Kurt, at umupo sya sa harap ko. Pero seryoso ang mukha nya "Okay to be direct, I want to tell you about your purpose in here." sabi ng matandang lalaki" "What's the matter?", tanong ni Kurt "The two of you will be married." Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Ano? Ako at sya ikakasal? Pero wala naman syang sinabing pangalan diba? Sabi nya the two of you. Sino ba yun? "Tomorrow will be the wedding.", dugtong ng matandang lalaki "No!". Nagulat ako nung sumigaw si Kurt Halatang galit sya. "You don't have to control my life!", sigaw nya Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganyan si Kurt, grabe pala sya magalit. Pero naiintindihan ko sya ikaw ba naman ikasal agad-agad, hindi ka ba magagalit? "It's the last will and testament of your mother, Kurt.", sabi ng lalaki "Don't use that as a reason.", sabi ni Kurt saka umalis sya Naiwan kami at pagkatapos ng dinner umuwi kami ni nanay. Pero naguguluhan ako. Ba't ganon wala pa nga akong boyfriend, wala pa ngang may nagliligaw sakin, pero magkakaasawa na agad ako bukas. Ikakasal ako sa taong gusto ko, pero hindi ko alam kung tatanggapin ako. "Nay, ba't ganon parang ang bilis ata? diba nagbibiro lang naman sila?", tanong ko "Anak para sayo tong ginagawa ko, pasensya na anak.", sabi ni nanay May tiwala ako kay nanay, pero ang tanong Kaya ko na bang ikakasal? Kaya ko na ba? Handa na ba ako? Ni hindi ko kilala kung sino ang papakasalan ko. At hindi ako makakasigurado sa lalaking pakakasalan ko. Pero kasi si nanay na mismo ang nagrecommend. Ika nga nila mothers know best kaya bahala na at ipapaubaya ko na lang ang lahat sa fate. Kung ano man ang mangyari bahala na. Pero hindi ko pa rin magawang makampante dahil sa biglaang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD