Ito na yon. Yung araw na to.
Hindi ko alam kung magiging masaya ako, dahil ba makakasal ako sa taong gusto ko?
Pero hindi nya naman ako gusto.
Nakasakay ako ngayon sa bridal car kasama ko si nanay. Nakasuot ng puting gown. Hindi ako makapaniwalang nangyayari to.
"Nak.",
Hinawakan ni nana yang kamay ko.
"Sorry anak kung nagawa ko to.", sabi ni nanay.
"Naiintindihan kita nay.", sabi ko
At niyakap nya ako, sumilip ako sa bintana ng kotse, nandito na kami.
Bumaba kami sa kotse ni nanay at inalalayan ako papasok ng venue. Konti lang ang tao dito, ang mama at ang papa nya, si nanay at ang M7, sabi nila private wedding daw to. Kaya kami-kami lang ang nandito.
Ngumiti si Larry sakin kaya napilitan na lang ako na ngumiti, para di ipakita na kinakabahan ako.
Tumingin ako sa lalaking sasalubungin ko
Galit sya at halata yun sa mga mata nya, halatang napipilitan lang sya na magpakasal sa isang katulad ko.
Naglalakad ako papunta sa kanya, pakiramdam ko ang sama kong tao para hayaan na mangyari to, pero wala akong magagawa, kasi ito ang napagusapan.
Sana tumanggi na lang ako, nung una pa lang, pero hindi ko magawa dahil ganito parin ang mangyayari.
Nasa harap nya na ako, nauna syang umupo, hindi nya ko inalalayan, okay lang napilitan lang naman sya eh
Nagsermon na ang pari. Tumingin ako kay Kurt, galit sya, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
Nararamdaman ko ang nararamdaman ni Kurt, ang sama ko , sana hindi na lang ako ang nandito, edi sana hindi ganito.
"Mr. Kurt Jullian Marasigan do you accept Ms. KJ Mendez as your beloved wife and love her even in sickness, in pain, in happiness or in sadness, until eternity?", tanong ng pari
Tumingin ako kay Kurt.
"Yes.", walang kagana-gana nyang sagot.
"And you Ms. KJ Mendez, do you accept Mr. Kurt Jullian Marasigan as your beloved husband and love him even in sickness, in pain, in happiness or in sadness, until eternity?", tanong ng pari
Anong isasagot ko?
"Opo."
Yan ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.
"I know pronounce you as husband and wife, you may kiss the bride.", sabi ng pari
Pero.
"No need.", sabi ni Kurt.
Mabuti na lang, hindi pa ako handa sa mga ganyan.
May pinirmahan kami, at sumakay kami sa kotse, kami lang ang may kasal na walang reception, galing no?
Sinamahan ako ni nanay sa sinakyan naming kanina dahil si Kurt sumakay sa kotse nya.
Pinipilit kong hindi umiyak, kasi alam kong kasalanan ko, pero talagang tadhana lang, tumulo na ang luha ko.
Pinupunasan ko lang.
"Nak, ayos ka lang?", tanong ni nanay
"Oo nay ayos lang ako.", sagot ko
Ayokong magalala si nanay sakin
"Tears of joy lang to nay.",sabi ko
Tiningnan ako ni nanay dahilan para tumulo pa lalo ang luha ko. Niyakap na lang ako ni nanay. Tapos lumabas kami ng kotse nang makarating kami sa tapat ng isang malaking bahay.
"This will be your house.", sabi ng papa nya
"Salamat po, Mr. Marasigan.", sabi ko
"Just call me papa, welcome to the family KJ, my daughter.", sabi nya at ngumiti
Ngumiti na lang ako para hindi sila magtanong.
"I want a girl ha?", sabi nung babae
Girl? Ano yung babae?
Bakit naman kaya?
"Po?" tanong ko
"I'm just kidding we will go now,bye.", sabi ng babae
"Nak tawagan mo ako kung may problema ha.", sabi ni nanay
At umalis na sila, pumasok ako sa bahay, nung napansin kong wala na si Kurt.
Nasan na kaya sya?
Hinanap ko muna ang kwarto ko, sa wakas
May nakita akong isang room, kaya binuksan ko ito siguro yung kwarto ko.
Wow, color blue yung bilog na kwarto
Lumapit ako sa cabinet at binuksan teka lang ba't puro panlalaki ang mga damit sa loob?
Nang may narinig akong nagbukas ng pinto mula sa CR.
Nung lumingon ako Ay nanlaki ang mga mata ko.
"What the-what the hell are you doing here?", tanong nyang galit na galit.
"Ah eh akala ko kasi."
Nakakatakot sya ngayon di ko alam kung anong sasabihin.
May abs pala sya hehehehe,
"Get out now, before I lose my patience.", sabi nya
"Ah oo."
"NOW!!!"
Nagulat ako dahil sa sigaw nya kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto nya
Phew, mabuti na lang nakalabas na ako ng kwarto nya.naka-gown pa naman ako, ang bigat kaya nito. Sa totoo lang.
May isa pang kwarto kaya binuksan ko ito, ito na siguro yung kwarto ko.
Binuksan ko ang cabinet baka mamaya kay Kurt na naman tong kwarto.
Hay sa wakas , mga damit na ng pambabae ang nandito.
Nagpalit na ako ng damit
Bumaba agad ako papunta sa kusina para magluto ng hapunan.
Ano kayang masarap lutuin ngayon?
Aha, ginataang kalabasa, masarap yun eh.
Kaya nagluto na ako.
After 30 Minutes
"Ang sarap." Sabi ko
Ito na lang ang hapunan namin ni Kurt, ah dadagdagan ko pa para may pagpipilian sya.
Dapat maging mabuti akong asawa sa kanya simula ngayon, dapat na maging mabait ako sa kanya para di sya magalit.
Tama
Nakita kong pababa sya ng hagdan kaya sinalubong ko sya.
Nakapangalis sya , saan kaya punta nito?, gabi na ah.
Delikado na sa labas, baka kung mapano sya.
"Uy, Kurt san punta mo?", tanong ko
Pero nagpatuloy lang sya sa paglakad.
"Kumain ka muna, baka nagugutom ka na.huy Kurt, delikado na sa labas baka kung mapano ka pa." pagaalala kong sinabi
Pero dedma lang ako.
"At gusto ko lang magpasalamat dahil pumayag ka, alam kong hin--"
"I Just did it for my mother and it will never be because of you " sabi nya
Tama sya para sa nanay nya yung ginawa nya at di para sakin.
Kaya alam kong dapat hindi na ako umasa pa.
"And don't expect that I will treat you as my wife."
Ouch!
"So-sorry.", sambit ko
"TELL ME WHAT WILL I DO TO YOUR SORRY IF YOU ALREADY RUINED MY LIFE AND MY FUTURE! AND DON'T EXPECT TOO MUCH, BECAUSE YOU'RE ONLY MY WIFE IN PAPER BUT NOT IN MY REAL LIFE.",sigaw nya
Kaya tuluyan na syang umalis.
Grabe ba't ang sakit?
Ng mga sinabi nya. Masakit pala pag sinabihan ka ng taong mahal mo ng ganon?
Tama sa sya asawa nya lang ako sa papel, at hindi na higit pa don, sinira ko pala yung buhay nya. Ang sama ko talaga.
Sorry Kurt, sorry. Hindi ko ginusto na mangyari to.
Umupo na lang ako sa kusina , hihintayin ko na lang syang makabalik para sabay kaming kakain.
(Larry's POV)
"Grabe hindi ako makapaniwalang may asawa ka na , mas nauna ka pa samin ah.", biro ko
Nandito kami ngayon sa bar nila Tyler. Kasal na si Kurt at ang ganda ng asawa nya, kahit nerd si Kj, she's beautiful.
"Masaya sigurong pakiramdam ng may asawa ka na no?", tanong ni Tyler
"It's like hell", sabi ni Kurt.
Kita mo tong siraulong lalaking to.
"Sus ang swerte mo nga eh, ang ganda ng asawa mo at ang bait pa nya."sabi ni Michael.
"You don't know how it feels like I wanna kill her right now, but I can't.", sabi nya
"Loko, ba't mo naman gagawin yun?", tanong ko.
"Because she ruined my future, it should be Kierra, Kierra should be my wife and not that stupid childish nerd." sabi nya sabay inom ng wine
Hindi nya parin nakakalimutan si Kierra.
"Edi ipa-salvage mo." sabi ni Brian
Mga demonyo talaga tong mga kaibigan ko, kaya binatukan ko si Brian.
"I will not kill her yet, but I will make her life worst as hell."sabi nya
Nakakatakot si Kurt pag ganyan sya.
Totoong gagawin nya yan.
Pero naaawa ako kay KJ, inosente sya at walang alam sa mga nangyayari,siguro ang dapat kong gawin ay protektahan sya laban kay Kurt.
Talagang mahal nya parin si Kierra.
Kaya nga first love never dies diba?
(Third Person's POV)
Gabi na ng umuwi si Kurt, bakas parin sa mga mata nya ang galit at pagkamuhi kay KJ, pumasok sya sa loob ng bahay.
At dumaan sa kusina, nakita nya nag asawa na nakatulog na sa lamesa dahil sa paghihintay sa kanya.
Nakita nya ang mga pagkain sa lamesa.
"Manang.", tawag nya sa maid.
"Sir?",
Lumapit ang maid sa kanya
"Throw all the trash in the table..", sabi nya
"Sige po sir.", sagot ng maid
"Sir, si ma'am po?", tanong ng maid
"Wake her up.", utos ni Kurt.
Sinunod ng maid ang utos ni Kurt, nilinis muna ng maid ang lamesa at tinapon lahat ng pagkain. At saka ginising si KJ.
(KJ's POV)
May gumigising sakin sino kaya to?
Baka si Kurt?
Kaya dumilat ako, nakita ko maid pala ang gumigising sakin.
Akala ko si Kurt, tumingin ako sa lamesa.
"Nasan na po yung mga pagkain dito?", tanong ko
"Pinatapon po lahat ni Sir.", sabi ng maid
Pinatapon nya?
Sayang naman, eh kami nga di kami nagsasayang ng pagkain sa bahay.
"Teka lang nandito na si Kurt?", tanong ko.
"Opo.", sagot ng maid
Nandito na pala si Kurt umakyat ako ng hagdan at dumaan sa kwarto ni Kurt.
"Goodnight Kurt, matulog ka na may klase pa bukas.", sabi ko
At pumunta sa kwarto ko para matulog.