*KINABUKASAN*
Maaga pa lang nagising na ako . tiningnan ko kung anong oras na
6:00 am pa lang, dali-dali akong bumaba sa baba para magluto ng almusal.
Pagkatapos kong magluto ng hapunan ay nilagay ko sa lamesa at
“Kurt.”, tawag ko.
Pero snab lang sya.
“Kurt magalmusal ka muna.”, sabi ko
“manong ihanda nyo ang kotse sa labas.”, sabi nya
At lumingon sakin
“Don’t you ever say a word about that stupid wedding or else you’ll regret it.”, sabi nya
Umalis na sya. Wala talaga syang pakialam ayos lang naiintindihan ko sya.
Napilitan lang naman sya diba?
Napansin ko ring hindi nay suot ang singsing naming, siguro itatago ko na lang muna tong singsing para di sya magalit.
Hindi nay man lang napasin, o tinikman man lang ang luto ko, saying naman to.
Dadalhin ko na lang to sa bahay ampunan, mapapakinabangan pa to ng mga bata. Tama.
Tapos kumain muna ako sayaang naman kung itatapon ko lang
Tapos lumabas ako ng bahay
Teka lang wala ang sasakyan ? pano na ako nito?
Pano ako makakapunta sa school?
Babalik na lang siguro ako sa pagiging mahirap ulit.
Maglalakad na lang ako ulit papunta sa school..hehehehe.
Tiningnan ko ang wallet ko P 50 parin ang baon ko, titipirin ko muna to, para may baon pa ako bukas
*School*
Mabuti na lang di pa ako late.
“KJ!!.”
Teka lang sino yung tumatawag sakin?
Nung lumingon ako
“Larry ikaw pala.”, sabi ko
Ngumiti sya
“Congrats ha.”, sabi nya
Ngumiti na lang ako para di nya mapansin.
“Salamat.”, sabi ko
“may problem aba Kj?”, tanong nya.
“w-w-wala.”, sabi ko
“Sabihin mo na diba friends naman tayo diba?”, sabi nya
“oo naman.”, sagot ko.
“Tara sabay na lang tayo papunta sa classroom.”, yaya nya
“sige,”, sabi ko
“Ako na magdadala.”, sabi nya at kinuha ang mga librong dala ko.
“Salamat.”, sabi ko.
“Teka lang.”, kinuha nya ang kamay ko.
“Eh?” tanong ko
“Ba’t di mo suot ang wedding ring nyo?”, tanong nya.
“Ah,e uhm sabi nya kasi eh.”,sabi ko
“Bakit anong sabi nya?”, tanong ni Larry
“Sabi nya uhm , wag mong sasabihin na sinabi ko sayo ha.”, sabi ko
“sige.”, sagot nya
Huminga ako ng malalim.
“Sabi nya ‘Don’t you ever say a word about that stupid wedding or else you’ll regret it’.”,sabi ko at ginaya ang boses ni Kurt.
“Demonyo talaga yang si Kurt.”, sabi nya
“huy, wag mong pagsasabihan ng ganyan si Kurt, hindi sya demonyo no mabait sya ayaw nya lang ipakita.”, sabi ko
“Kahit anong mangyari asawa ko pa rin si Kurt, kaya dapat na maging mabait ako sa kanya,sabi nga nila pag binato ka ng bato dapat batuhin mo ng tinapay. Kahit ganyan si Kurt, naiintindihan ko sya .”, paliwanag ko
Ngumiti si Larry.
“alam mo tanga lang ni Kurt bulag sya dahil di nya man lang napansin na may nagpapahalaga sa kanya.”, sabi nya
Kaya napatawa kaming dalawa.
Naglalakad kami papuntang classroom ng mahagip ng mata ko si Kurt .
Tinulungan nya yung babae na dalhin yung mga gamit nito , pero ba’ t ako?
Pero ba’t imbis na matuwa ako?, ba’t parang ang sakit?
Aish, Kj, tinutulungan nya lang naman , pero bakit ako hindi?
“Kj, tara na.”yaya ni Larry.
Nasa tapat na pala kami ng classroom. Pumasok kami sa loob at nagsimula ng magklase. Umupo kami.pero di man lang ako magawang tingnan ni Kurt.
Iba na sya sa Kurt na nakilala ko noon, tama na Kj, diba dapat di ka umaasa
Asa ka pa na papansinin ka ni Kurt, diba nga sinira mo yung buhay nya?
Kasi nga diba pangit ako, nerd walang kwenta para sa kanya.
Napilitan lang naman syang magpakasal sakin diba?, kasi dahil sa nanay nya.
Sa kabuuan, asawa nya lang ako sa papel. At hanggang dun na lang yun
Pinipigilan ko lang tumulo ang luha ko pero ang hirap
Pinupunasan ko lang, para di halata. Nakakahiya naman kung iiyak ako dito.
Ayokong malaman nila na mahina si KJ Mendez.
Sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi nya , masakit pala, ako lang yung nagmamahal, pero sya hindi.
Iintindihin ko na lang sya, para di na sya masyadong magalit sakin.
“Kj.”
Nagulat ako kay Larry.
“May problema ba?’, tanong nya
“Huh?, wala.”, sagot ko.
“Wag mo muna syang isipin magconcentrate ka muna sa mga lessons, okay?”, sabi ni Larry
Tumango ako
Mabuti na lang nanydan sya palagi, salamat Larry.
Mabait syang kaibigan kaya ngumiti ako.
*CANTEEN*
“KJ, sabay ka samin.”, yaya nila Sherwin
Pero nakita ko sya, dahilan para umiwas ako, ayokong magalit na naman sya sakin
Naglakadlakad lang ako papunta sa garden.
At
“KJ!!!!”
Lumingon ako, ang kulit talaga nila.
Ang M7 ay hindi M6 pala kasi wala sya.
“anong ginagawa niyo dito?”, tanong ko
“Kung ayaw mo sa canteen dito na lang tayo maglunch .”, sabi ni Tyler
Kahit papano nabawasan ang lungkot ko.
Naglagay sila ng tela sa damuhan at nilapag ang mga pagkain.
“ang dami ah.”, sabi ko.
“Kasya satin to.”, sabi ni Brian
“Si Kurt?’, tanong ko.
“Haist, wag mo na syang isipin, kumain ka na lang .”, sabi nya
Kumuha ako ng plato at kumain
“Akin na nga yan.”
Nagaagawan si Sherwin at Michael sa tocino
Para silang mga bata.
“aist, akin na nga yan ang daya mo!.”, sigaw ni Michael.
Biglang nalaglag ang tocino.
“ang sarap ah.’,
“STEVEN!!!!!”, sigaw nila
Napatingin silang apat kay steven
“humanda ka!!.”, sigaw ni Sherwin
“Kinuha mo ang tocino ko!!.”, sigaw naman ni Michael.
“Kinain mo pa!!.”, sigaw ni Brian
“Sugod!!.”, sabi ni tyler
At naghabulan silang apat na parang mga bata .
Napatawa na lang ako.
“See, napatawa ka.”, sita ni larry
Kaya napatigil ako ng kakatawa nang tumingin ako sa kanya
“Mas maganda ka pag tumatawa.”, dugtong ni Sherwin.
At ngumiti silang anim sakin
“Yan ang isa sa mga rason kung bakit masaya kasama ang M7.”, sabi ni Tyler
Tama masaya sila kasama, oo nagenjoy ako, kasi kahit papano nabawasan ang sakit eh.
*UWIAN*
Uwian na, balik na naman sa dating malungkot na buhay.
Nakita ko na naman syang may kasamang babae yan yung kanina na tinulungan nya.
Siguro girlfriend nya yan, ako pala ang kontrabida sa lovestory nilang dalawa kung ganon
Sana sila na lang ang kinasal. Edi sana nakikita ko syang masaya ngayon, dahil sa iba at di dahil saken.
Maglalakad na lang ako pauwi, hindi na kasya ang per ako para pamasahe kaya napadaan ako sa park.
“Hon dun atyo.”, sabi ng babae.
“Okay hon, let’s go.”, sabi ng lalaki
Magkahawak kamay pa sila ang saya nila tingnan,
Sana ganyan din kami, pero alam kong hinding hindi na mangyayari yon.
“I love you hon, sabi ng lalaki.
“I love you too,”, sagot ng babae
Kailan ko kaya maririnig yan? Siguro hindi na ? walang pag-asa na maririnig ko yang mga salitag yan, napakalabong mangyari non.
*BAHAY*
Wala pa si Kurt, ang ganda at ang aliwalas ng bahay. Saying tong bahay na to
Kinuha ko muna ang singsing sa bag ko
“Bakit kaya ganito? Masakit?, sobrang sakit?”
Tumutulo na ang luha ko, sige lang wala pa namang tao dito eh
Nakaupo lang ako sa sofa,
“Masakit na lumalayo sya sayo yung paranf wala lang kayo.ayokong magalit sa kanya, kasi alam ko namang ako yung may kasalanan sa simula’t simula pa lang, dahil na rin asawa lang ako sa papel diba?tama talaga sya, napilitan lang sya eh, wala akong magagawa".
Humiga ako sa sofa ay hinayaang tumulo ang mga luha ko…