(KJ's POV)
"This is your 2nd day. Kj last day mo na to. Kasi bukas ibabalik na kita sa asawa mo", sabi ni ate Tyline
Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama last na lang daw to eh.. pero nakakamiss naman si kurt eh
"Marami pa namang gagawin si Kurt kaya di na nagaalala yun", sabi ko
"Are you sure?", tanong nya
"Oo", sagot ko
Masasabi kong nageenjoy ako. Firs time ko lang kasi dito sa Tagaytay eh….
Ayoko pang umuwi hehehhe
(Kurt's POV)
"Fidb her and dont come back here without her", utos ko sa mga tauhan namin
"Kurt magpahinga ka muna. Kahapon ka pa hindi nagpapahinga eh", sabi ni Larry
"I need to go somewhere. I want to find my wife. Ikaw na munang bahala dito", paalam ko
"Kurt", tawag nya pero di ko sya pinansin. I dont need rest. I need to find my wife. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa asawa ko. Kj nasan ka na ba?. Talagang hindi ko mapapatawad ang kumuha sa asawa ko.
(Kj's POV)
"Ang sarap", sabi ko
Kumakain kami ngayon ng cake ni ate Tyline.
"Its getting dark tara na tulog na tayo". Yaya nya
"Sige sandali lang", sabi ko
Tatayo na sana ako ng may nalaglag. Kaya pinulot ko
"Namimiss ko na si Kurt. ", bulong ko
Kumain na kaya sya? Hindi ko naman sya matawagan kasi nawala yung sim card sa cellphone ko…hindi ko na alam kung nasan eh… lowbat pa nakalimutan ko kasi ang charger.. hehehe..sana okay lang sya. Dibale last day ko na lang bukas. Susulitin ko na to
(Larry's POV)
*KINABUKASAN*
absent na naman sila. Ano to lokohan ?. Takte naman o. Magcucutting na lang ako. Pero nakakapagtaka naman nung nawala si KJ. Nawala na rin sila Sherwin. San kaya nagpuntang planeta ang mga lokong yun?
Teka.. teka baka may kinalaman sila sa pagkawala ni Kj.. baka may kinalaman ang limang to.. at kung totoo ang hinala ko. At pag nalaman to ni Kurt. Naku sigurado. Hindi sila sisikatan ng araw. At pag nangyari yun
Ako na lang ang nag iisang single ng M7 ..yesssss. ako na lang ang nagiisang hearthtrob ng M7 na single. Grab the opportunity na to…
(KJ's POV)
Binilhan ako ni ate Tyline ng mga damit at sapatos. Hanggang gumabi na
Nakasakay kami ngayon sa kotse nya.
"Ate san tayo pupunta?"tanong ko
"Ibabalik na kita", sabi nya
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa. Parang tatalon ang puso ko. Excited lang siguro akong makita ulit si Kurt…..
"Talaga?", tanong ko
At ngumiti sya..
(Kurt's POV)
Napuntahan ko na ang halos lahat ng hideout ng ibang mafias pero wala pa rin ang asawa ko. Nasan na sya?
Pero biglang nagring ang cp ko. Who the hell is this?
"hello"
[Sa floral tower. Pumunta kang magisa kung ayaw mong masaktan ang asawa mo], sabi ng tumawag.
I hurriedly ended the call at pinaharurot ang kotse ko…. wait for me KJ im almost there. Ill save you…
Dont worry im.on my way. Im coming
*Floral tower*
Agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob malamang nasa rooftop sila
Nang makarating ako. Nakita ko sya. Ang asawa ko..
Lumapit ako sa kanya pero nakatingin lang sya sakin pero niyakap ko sya ng mahigpit…
(Kj's POV)
"Kj sorry s*** kung di lang kita pinaghintay edi sana di ka makikidnap. Kj sorry. Sorry . Sorry. Sorry", sabi nya
At bumitaw sa pagkakayakap saken
"Kj ayos ka lang?, may masakit ba? sinaktan Ka ba nila?, may ginawa ba sila sayo?KJ ive been asking you for so many questions yet you didnt answer . Kj answer me", tanong nya..
"Kj"
Nakita ko na parang stress na stress so Kurt. Parang wala syang tulog. Ang laki ng eyebags nya eh… hindi kaya nakatulog ng maayos to?
"Ayos lang ako eh ikaw ba't parang hindi ka natulog?", tanong ko
Niyakap nya ulit ako.
"Pano naman ako makakatulog kung nasa panganib ang asawa ko?. To be honest hinanap kita. Yes your right. I didnt have enough sleep this past few days becausd i need to find you but all of it is worthy because now youre safe and now youre here with me…" sagot nya
Hala kinokonsyensya na yata ako. Hindi sya nakatulog kasi hinanap nya ko. Pero ako nagpapakasaya lang. Ang sama ko
Sorry lang sya ng sorry wala naman syabg kasalanan eh
"Sorry kj i promise i will.not leave you alone again alright?", sabi nya
Nakakailang sorry na sya mas lalo nya akong pinapakonsensya ehh…..
"kurt wala ka namang kasalanan eh kaya wag ka nang magsorry" sabi ko
"no ita my fault im a useless husband i left you .. sorry",.. sabi nya
"isa pang sorry babatukan na kita…", biro ko
pero tumawa sya. namiss ko yung tawa nya.
"I missed you so much. Lets go home", sabi nya
Kaya tumango ako
*BAHAY*
namiss ko rin tong bahay namin. Tatlong araw akong nawala . Pero hindi naman pala masama yung mga kumidnap saken eh kasi akala ko sasaktan nila ako pero pinasyal pa nila ako hheeh. Gusto kong maulit ulit yun…
"Kj namukhaan mo ba yung kumidnap sayo?" Tanong nya
Sasagot na sana ako pero may naalala ako
"Kj nakikiusap kami wag mo kaming isusumbong kay kurt", sabi ni Michael
"Eh ?", tanong ko
"please siguradong patay kami ni kurt pag nalaman nya kj pls.", pagmamakaawa nila
Halos lumuhod na nga sila kaya punayag ako na wag sabihin kay Kurt baka nga may mangyari. Shshs sikreto lang natin yun ha. Wag kayong maingay …
Siguro di ko muna sasabihin baka nga kung anong gawin ni kurt sa kanila
"Di ko sila namukhaan eh " sagot ko..
"Then goodnight matulog ka na", sabi nya
At hinalikan ang noo ko. Sorry kurt nagsinungaling ako. Sorry. Sorry talaga
(kj's PoV)
nakokonsensya ako talaga ako. Nagsinugaling ako kay Kurt.
Pero pag sinabi ko ang totoo. Baka magkagulo pa eh…
"Uy mabuti naman maayos ka na. Sinaktan ka ba ng mga kidnappers?.", sita ni Larry
"ha? Hi-hindi", sabi ko
"Ano resbakan naten?", tanong nya
"Ay hindi na kailangan.", sabi ko
"Morning Kj. Morning Larry", bati ni Michael
"KAYO!!!", sita nya dun sa lima
Aba badtrip to ah. Init ng ulo.
"Takte iniwan nyo ko dito akala ko mamamatay na ako dahil sa bored ako ito", sabi ni Larry
"Teka san kayo galing?",tanong ni Larry
"Ah eh namasyal kami no", sabi nila
At sumangayon naman ang apat…
"Hindi kaya may kinalaman----"
Hindi napagpatuloy ni Larry ang sasabihin nya nung tinakpan ni Brian ng bibig nito.
"Larry wag kang maingay baka malaman ni Kurt eh", sabi ko
"Anong dapat kong malaman?", tanong ng
Teka sino yun parang si
O______O
Reaksyon namin nung makita ko si Kurt sa likod ko.
"What's that KJ?, are you hiding something from me?", tanong ni Kurt
"Wala .wala yun no", sabi ko
Kaya lumabas muna sya ng roon. Pero kakaiba sya ngayon. Ba't parang ang tamlay nya?
Kaya binitawan na nila si Larry
"Promise lilibrehin ka namin ngayon", sabi ni Brian
"Talaga?", tanong ni Larry
"Oo gusto mo ngayon pa eh", sabi ni Michael
Agad na umalis yung lima kaya nagusap kami ni Larry.
"Larry ba't parang ang tamlay ni Kurt?", tanong ko
"Ewan ko nga eh. Kasi simula nung nakidnap ka. Hindi na nakapagpahinga yun eh. Hindi na sya nakapagpahinga ng maayos. Ni hindi na nga sya kumakain ng maayos. Busy kasi sya sa paghahanap sayo. Sinasabihan ko syang kumain at magpahinga muna pero ayaw nya. Gusto ka nyang hanapin. Tatlong araw kang nawala. Edi tatlong araw din syang walang pahinga. Naku baka magkasakit yun", sabi nya
Nakokonsensya talaga ako….hindi na pala sya nakapagpahinga ng maayos at nakakain ng maayos kais hinahanap nya ko……..dahil saken habang nagpapakasaya ako sya naman nahihirapan sa paghahanap saken.
*UWIAN*
tahimik parin su Kurt. Curious ako.
"Kurt", tawag ko
"Hmmm?", tanong nya
"Galit ka ba saken?", tanong ko
"Why would i", sagot nya
"Eh ba't di ka namamansin?", tanong ko
"So gusto mo pansinin kita?", tanong nya
"Anong… waaah hahahhahaa kurt tama na hahahhahaha nakikiliti ako hahaahahhaha kurt hahahahaaaa", tawa lang ako ng tawa kasi kinikiliti ako ni Kurt eh
Lakas naman mangiliti nito.
"Isa kurt tama na", saway ko
"Edi ba sabi mo pansinin kita?", sabi nya
"Ibig kong sabihin. Wag mo kong dedmahin. Labo mo", paglilinaw ko
*BAHAY*
"Goodnight", bati ko
"Goodnight i love you", sabi nya
At pumasok ako sa kwarto ko humiga sa kama at natulog…
*1:00 am*
Nauuhaw ako kaya gumising muna ako at bumaba. Kumuha ako ng baso nang may narinig akong may nagbubuhos ng tubig.
"Kurt?", tawag ko
Pero naglakad lang sya kaya sinundan ko sya. Hinawakan ko sya sa kamay. Pero
Ba't parang ..
"Kurt?"