Lukot ang mukha ko at bagot na bagot habang naririnig ang meeting ng asawa kong si Mike. Nakaupo ako sa medyo kalayuan habang ito naman nasa gitna. Hindi rin nakalagpas sa akin ang mga tingin paminsan-minsan ng mga tao sa loob ng meeting room sa akin. Samantalang ang secretary din panay sulyap sa akin at may kalaliman kung tumingin. Ni hindi ako nag-aksaya na tumingin o magka interesado sa pinagmemeetingan nila, hanggang sa maalala ko si Mic. Wala man lang kasi itong message sa akin. Naisipan kong lumabas ngunit may nakabantay sa labas ng pinto. "Pasensya na ma'am, hindi ka po puwede lumabas ng hindi kasabay ni boss," malumanay na wika ng isang tauhan. Nayayamot man ako, wala akong nagawa kun'di bumalik sa upuan. Hanggang sa mapansin kong nakatingin sa akin ang asawa ko. Inirapan ko

