Mabilis akong bumaba ng sasakyan, hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako. Dire-diretso akong umakyat sa taas papuntang kuwarto. Hindi ko na pinansin kong kasunod ko ba ang asawa ko. Dahil alam ko naman na dito siya matutulog sa kuwarto namin kaya mabilis akong kumuha ng pantulog at unan ko. Kahit na hapon pa lang ng mga oras na iyon. Pinaghanda ko na kaagad ang damit pantulog ko para pumunta sa kabilang kuwarto. Medyo nagulat pa ako ng bumukas ang pinto at nakakunot noo ang asawa ko ng makita akong bitbit ang unan at damit pantulog. Lalagpasan ko na sana ito ng pigilan ang braso ko. "Where do you think your going?!" mahina ngunit galit ang pagkakatanong nito sa 'kin. "Ano bang pakialam mo?" inis na wika ko. Napangiwi pa ako ng diinan nito ang pagkakahawak sa braso ko. Inakay ako ni

