Alas-7 na ng gabi nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan. Kasalukuyang nasa baba ako at nakaupo sa sala. Nanunuod ng TV. Ewan ko ba, hindi ako mapakali simula ng umalis ang asawa ko. Kaya kunwari nanunuod ako, kahit na siya talaga ang hinihintay ko. Nagbusy-busyhan ako sa panunuod hanggang sa maramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Napapitlag pa ako ng umupo ito sa tabi ko at hawakan ang baywang ko, sabay harap ng mukha niya sa mukha ko at kinintalan ako ng halik sa labi. "Hi love, sorry nagabihan ako. Marami kasi kaming napag-usapan," wika ng asawa ko. Natameme naman ako sa inasta nito. "Love daw?" Parang gusto ko tuloy kiligin. Nagulat pa ako ng bigla ako nitong yapusin ng dalawang matitipunong bisig nito. "M-mike ano ba? Nanunuod ako," Kunwa'y wika ko rito. Pero ang

