"Hoy, bestie!" Nagulat na lang ako bigla dahil sa pagtawag sa akin ni Danica. Kasalukuyang lunch break namin at nauna ako sa canteen dahil mayroon pa itong kinausap sa phone. Nasa harapan lang ang canteen ng hotel na pinagtatrabahuhan namin. Dito kami kumakain at ang ibang staff ng hotel. "Bakit tulala ka na naman? May nangyari ba sa paglabas ninyo ni sir pogi?" nangingislap pa ang mga mata nito. "Aray naman! Bakit ka ba nambabatok? Pati ba naman sa 'kin nilalabas mo ang kasungitan mo?" reklamo ng kaibigan ko ng batukan ko ito. "Wala na naman kasing kwenta ang pinagsasabi mo, hindi naman lingid sa'yo ang inis ko sa lalaki tapos magtatanong ka kung anong nangyari," wika ko rito. "Palagi ka na lang kasing tahimik, at seryoso, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan kita," wika ni

