"What are you waiting for? Hindi ka susubuan ng mga pagkain na nasa harap mo," wika ng aking boss.
"H-hindi naman ako nagugutom," wika ko. Pero ang totoo bigla talaga akong nagutom dahil mga favorite ko ang nasa harapan namin.
"Please kumain ka na, 'wag mo munang dalhin ang inis mo sa akin. Kumain ka na, mga favorite mo pa naman ang pinahanda ko," seryosong wika nito.
Nagulat naman ako kung paano nito nalaman na paborito ko nga ang mga iyon. "P-paano mo nalaman?" nanlalaki ang mga mata ko habang tinatanong ito.
Nabigla naman ako ng tumawa ito, bigla tuloy akong nainis. Pero ang guwapo ha.. haist, ano ba Irene utak mo!.
"Ang cute mo pala kapag nanlalakihan ang mga mata mo," wika ng boss ko habang tumatawa.
Akmang aalis ako ng hinawakan nito ang kamay ko. "I-I'm just kidding, naitanong ko lang naman sa kaibigan mo," simpleng sagot nito.
"Humanda ka Danica sasabunutan talaga kita!" Sa isip-isip ko.
Bigla naman akong natigilan ng tumunog ang tiyan ko. Parang gusto ko tuloy lumubog sa kahihiyan.
"A-anong ginagawa mo?" taranta kong tanong ng mapansin kong nilalagyan nito ang plate na nasa harapan ko.
"Ano pa nga ba, nilalagyan iyang plato mo ng makakain ka na," simpleng wika nito.
"H-hindi na kailangan," sagot ko. "Kung ayaw mong ginagawa ko ito, kumain ka na. Kasi hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka kumakain," seryosong sagot nito habang nakatingin sa pagkain nito.
Wala akong nagawa kun'di kumain na rin. Naexcited pa ako dahil mga favourite food ko ang nasa harapan ko. Mahal pa naman ito sayang kung hindi makakain.
Nakalimutan ko pansamantalang galit ako sa boss ko, dahil sarap na sarap ako sa mga pagkain. Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ang boss ko.
"Hmm, she's really beautiful and cute ha," naipilig ni Mike ang nasa isip.
"What?" Nagulat pa ako sa tanong ng babaeng si Irene.
"What, what?" pang-aasar ko rito. Hindi naman ako nito pinansin at ipinagpatuloy nito ang pagkain.
Mukhang sa pagkain ko lang yata ito mapapatahimik," nangi-ngiting wika ni Mike sa sarili.
Pauwi na kami ng mapansin kong iba ang tinatahak ng kotse nito. "H-hindi ito ang daan pabalik ng hotel," wika ko sa boss ko.
"Yeah I know, may dadaanan lang tayo," sagot nito.
"What? Ibaba mo na lang ako diyan sa tabi at ako na lang ang uuwing mag-isa," wika ko sa boss ko.
"Nope, you must come with me," wika nito.
"Ano ako secretary mo? Na dapat nakabuntot sa'yo?" inis kong tanong dito. Sinulyapan lang ako nito.
"Yeah, I know your not, at hindi talaga kita magiging secretary dahil magiging asawa kita," natatawang sagot nito na siyang ikinagulat ko.
Umusok naman ang ilong ko sa pang-iinis nito sa akin.
"Hoy! Mr. Villamill, sa tingin mo papatulan kita? Kahit ikaw pa ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi kita magugustuhan!" pasigaw ko rito.
"Talaga lang ha?" wika nito. Parang hindi man lang tinablan sa sigaw ko. "Ibaba mo na nga ako sabi eh!" inis kong wika rito.
"Pupunta tayo sa ibang company na pag-aari pa namin, bibisitahin ko lang saglit," seryosong wika nito.
"At bakit kailangan ko pang sumama sa'yo, hindi mo naman ako secretary?" tanong ko.
"Like I told you, do what I want to say to you. Remember may utang ka sa akin at hanggat hindi ko pa sinasabi ang kapalit, gagawin mo ang gusto ko, or else naman kawawa parent's mo," wika nito na siyang ikinagalit ko.
"Huwag na huwag mo ngang idadamay ang pamilya ko rito, walang puso!" sigaw ko.
Bigla naman akong natakot ng bigla nitong i-preno ang sasakyan at hinawakan ang braso ko.
"Aray! ano ba, nasasaktan ako!" nakangiwi kong wika.
"Kung ayaw mong masaktan, tumahimik ka at kung ayaw mo naman madamay ang parent's mo sumunod ka," mahina pero madiin ang pagkakabanggit nito. At saka lang binitiwan ang braso ko at pinaandar ulit ang sasakyan.
"Sana hindi mo na lang ako tinulungan," mahina pero pagalit na wika ko rito.
"Sana nga, hindi na lang kita tinulungan, baka ngayon nilalamayan na iyang katawan mo," seryosong wika nito na ikinalaki ng mga mata ko.
"Sa itsura nang lalaking iyon, tingin mo bubuhayin ka pa noon pagkatapos kang gahasain," patuloy pa nito.
Doon ko naman narealize na tama nga ang boss kung masungit kung minsan. Pero nakakainis lang kasi, tutulong pero may kapalit. Sa isip-isip ko.
Pinili ko na lang manahimik at sumunod sa gusto nito huwag lang madamay ang parent's ko. Tumigil kami sa isang malaking company. Nakalagay pa sa itaas ng building ang apelyido nito.
Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng building. Nagpumiglas ako. "A-ano ito ha?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Wala sa usapan ito ha?"
Tumigil naman ito at tiningnan ako ng seryoso. " Hindi ba sinabi ko sa'yo, do what I want. Kaya sumunod ka na lang, mababawasan ba ang kamay mo kapag hinawakan ko?" pang-aasar nito.
Pilit kong winawaksi ang kamay nito subalit malakas ito. Hanggang sa makapasok kami at may sumalubong sa amin. Mga staff ng company. Ang dami talaga nilang negosyo.
Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko, na 'di rin nakaiwas sa paningin ko ang mga tingin ng mga tao sa loob. Pilit kong inaalis subalit tiningnan niya ako ng matalim. Natahimik naman ako dahil nakatingin na sa akin ang kausap nito.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at kakaibang pakiramdam dahil sa magkahawak kamay kami nito. Gusto kong kiligin, pero pare-pareho lang ang mga lalaki. Bigla na namang bumalik ang inis ko dahil sa isiping iyon.
Nakasakay na kami ng elevator, hawak niya pa rin ang kamay ko. "Grabi na ito ah!" himutok ko sa sarili.
Sobra akong naiilang dahil kasabay pa namin ang kausap nito kanina sa labas at may kasama pa itong apat na katao, na nakatingin sa paghahawak kamay namin ni boss.
"So, everything is good?" tanong ng boss ko sa kausap nito. "Yes sir, everything is good," sagot ng kausap ni boss.
"Ah, S-sir, if you don't mind, sino po ang kasama niyong babae? Girlfriend niyo po ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng lalaki sa boss ko.
"She's my future wife. Medyo mainit lang ang ulo kaya mahirap kausapin," wika nito na nakangiting nakakaluko.
Sasagot na sana ako sa sobrang inis ko dahil sa kayabangan nito ngunit kaagad ding nagsalita ang kausap nito.
Ayieeh.. pero aminin mo Irene kinilig ka, sabihan ba naman na future wife ka. Haist, anong kilig. Ipinilig ko ang ulo sa aking iniisip.
"Congratulations sir, bagay na bagay po kayo," nakangiting wika sa amin ng lalaking kausap ni boss. Napilitan na rin akong ngumiti ng tipid.
"Humanda ka sa akin mamaya Mr. Villamill. Masasapak na talaga kita!" sigaw ng isipan ko.