Episode 7

1249 Words
"Irene pinapatawag ka ni boss," bungad kaagad sa 'kin ng manager. "Boss?" naguluhan kong wika. "Sino pa ba ang boss natin?" pagtataray ng manager ko. Lalaki ito, baklang lalaki nga lang kaya ganito umasta, maarte magsalita. "Bakit daw po ako pinapatawg?" tanong ko. May kasungitan ako, pero pagdating sa manager ko, maamong tupa ako. Well, sa mga lalaki naman lang talaga ako nagagalit. "Ewan ko roon, makakatanong ba ako eh pagbungad ko pa lang, seryoso na ang mukha," simangot ng manager ko. "Basta pumunta ka na kaagad sa room niya," wika pa nito. Tatalikod na sana ito ng bigla akong magsalita. "Po? Bakit sa room niya? Anong gagawin ko roon?" sunod-sunod kong tanong. "Hoy! Irene Claveria kailan ka pa natutong sumagot-sagot ng ganiyan sa akin ha?!" Pinandilatan ako nito ng mata. "Basta pumunta ka na at ayaw niya raw pinaghihintay. Baka mamaya, ako pa ang mapagalitan kung pabagal-bagal ka riyan," wika ng manager ko sabay talikod. "Ano raw iyon bestie? Pinapapunta ka sa room ng boss natin?" Kinikilig na naman ang chismosa kong kaibigan. "Naku! Sana ako na lang pinatawag. Bakit kaya pinatawag ka ni boss? Naku! Bestie ha, baka may gusto sa'yo ang palalabs ko," wika pa ng kaibigan ko, na kilig na kilig. Sa inis ko binatukan ko ito. "Aray naman! Wala naman akong sinabing masama ah!" kunwa'y galit-galitan nito. "Tumigil ka kasi, daig mo pa iyong walang boyfriend kung umasta. At tingin mo ba natutuwa akong ipatawag niya, at doon pa talaga sa room niya ha!" galaiting wika ko. Habang namalayan kong nakatulala ang kaibigan ko at nakatingin sa likuran ko. Nacurious naman ako kung bakit siya nakatulala, kung kaya lumingon rin ako. Nagulat ako ng makita ko ang boss namin na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. Napansin ko rin na nakatutok sa akin ang tingin ng ibang staffs ng hotel. "A-ah bes, iwan muna kita ha," biglang wika ng kaibigan ko at dali-daling umalis. "What did you just say?" tanong ng boss ko na seryoso pa rin ang mukha. "Bakit ko pa uulitin kong narinig mo naman?" pagsusungit ko rito. Dati na akong naiinis sa mga lalaki, simula ng lukuhin ako ng ex ko, pero mas matindi yata ang inis ko kapag nakikita itong lalaking ito. "Tsk! Masyado talagang matalas ang dila mo ha. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pagtataray mo sa 'kin," wika nito sabay hablot sa kamay ko. "A-anong ginagawa mo?" tarantang tanong ko na hanggang ngayon nakatingin pa rin ang mga staffs sa amin. "Can you please let me go," wika ko rito habang nagpupumiglas. "Can you please shut up? Para kang manok, putak ng putak. Wala akong gagawing masama sa'yo, unless kong gusto mong may gawin akong masama sa'yo," wika nito sabay ngisi. Bigla akong nainis lalo dahil sa kapal ng pagmumukha ng boss ko, kung kaya kinagat ko ang kamay nito dahilan para mapabitaw ito sa akin. "What the hell are you doing?!" Pagalit at sigaw na tanong nito habang hinahawakan ang kamay nito na kinagat ko. "Kung ayaw mong masaktan, bawas-bawasan mo iyang kayabangan mo. Hindi lahat ng babae eh, magkakandarapa sa'yo!" wika ko. Tatalikuran ko na sana ito ng biglang hablutin nito ang kamay ko. "Ano ba?!" inis na wika ko. "Baka nakakalimutan mong may utang ka sa aking babae ka," wika nito. Napangiwi naman ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko. "H-hindi ko 'yon nakakalimutan. Bakit sinabi mo na ba kung ano ibabayad ko sa'yo?" ngiwing wika ko rito. Napansin ko naman ang pagngisi nito. "Kaya nga dapat sumunod ka sa akin kung anong sasabihin ko. Paano mo malalaman kung paano ka makakabayad kung ganiyan ka," wika nito sa akin. "Sabihin mo na ngayon para matapos na, at para hindi ko na makita pagmumukha mo," wika ko rito. "Not now sweetheart. For now, samahan mo muna akong kumain sa labas," wika nito. "And who do you think you are para mapapayag mo akong sumama sa'yo ha? Kung ang paglabas natin ay hindi pa iyon ang kabayaran sa utang na sinasabi mo, puwes hindi ako sasama sa'yo," wika ko kasabay ng pagpiglas ko rito upang mabitiwan ang kamay ko at mabilis akong lumakad palayo rito. "Let's see, kung makakaasta ka pa ng ganiyan sa akin, kapag nalaman mong wala nang tirahan ang mga magulang mo," wika nito. Biglang tumambol sa kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Dahan-dahan akong humarap sa boss ko at nakita kong seryoso ang mukha habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa suot nitong shorts. "W-what do you mean? Anong ginawa mo sa kanila?" tanong ko at mabilis lumapit dito. Gusto kung suntukin ang pagmumukha nito at dinadamay pa pati ang pamilya ko. "Well, wala pa naman.. pero kung sa simpleng alok ko 'di mo mapapaunlakan, marahil may magawa nga akong 'di mo ikakatuwa," seryosong wika pa nito. "What do you really want?!" napasigaw na ako ng malakas sa sobrang galit dito. Napatingin na naman ulit ang mga staffs at kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkagulat nila sa pagsigaw ko, at wala naman akong pakialam. Subalit mas mukha yatang walang pakialam ang boss ko at parang nang-aasar pa itong nakatingin sa akin. "Gusto ko lang naman kumain sa labas kasama ang magandang matapang na tigreng babaeng kaharap ko." Sabay ngiti nitong nakakaloko. Instead na patulan ko pa ito, nauna na akong naglakad palabas. Pagbibigyan ko itong baliw na lalaking ito hanggang sa makabayad ako sa pagtulong nito sa akin." Bulong ko sa sarili ko. "Hop in," wika ng boss ko na pinagbukas pa ako ng pinto ng sasakyan nito. Para walang gulo, walang imik na pumasok ako ng sasakyan nito. "Thank you for letting me na yayain ka," wika ng boss ko. "Kung hindi sa pananakot mo sa pamilya ko, at sa utang ko sa'yo na sinasabi mo, hinding-hindi mo ako mapapasama," inis na sagot ko. "At alam ko naman na kaya niyong gawin ang naisin ninyo dahil sa mayaman kayo," wika ko pa. Hinintay kong magsalita ito ngunit hindi na rin naman ito sumagot pa. Kaya nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin sa labas habang sakay kami ng kotse nito. Tumigil kami sa isang restaurant. Bakit hindi na lang siya kumain sa sarili niyang hotel, may restaurant naman doon." Sa isip ko. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan pa ako nito. Bumaba na ako kaagad. "Let's go, inside," pagyaya ng boss ko. Sumunod na lamang ako. "Good morning sir and ma'am," masayang bungad ng manager. Nagtataka ako kung bakit manager ang sumalubong sa amin. May mga waiter naman, pero hindi ko na lang pinansin iyon, ang mahalaga makatapos kaagad kumain ang boss ko at ng makaalis na sa paningin nito. "Good morning," rinig kong sagot ng boss ko. "Wait for a few minutes sir and ma'am, malapit na pong maluto iyong foods," wika ng manager. Nagtaka na naman ako, kasi wala pa naman ang boss kong in-order ng kahit ano. "Okay, no problem," sagot ng boss ko sa manager. Hindi na lamang ako umimik. Hindi naman ako mapakali sa upuan ko dahil mataman na nakatitig ang baliw kong boss sa akin. "Marahil nagtataka ka kung bakit may nakareserves kaagad na food. Bago man tayo pumunta rito, pinareserve ko na talaga nang hindi tayo mahirapan maghintay lalo pa at alam kong maiinis ka lang kapag pinatagal-tagal ko pa," ngiting wika nito sa akin. Medyo naguluhan man ako sa sinabi nito sa huling salita, ngunit binalewala ko na lamang. Hanggang sa dumating ang pagkain na ikinagulat ko pa dahil sa rami nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD