"Ah sandali lang ma'am Irene," wika ng secretary ng asawa ko. Papasok na kasi ako sa opisina ng asawa ko ng pigilan ako nito. "P-pasensya na po, kabilin-bilinan kasi ni ma'am Jenny na huwag magpapasok ng kung sino kung hindi muna tatawag sa loob to inform kung sino ang papasok," malumanay na wika nito. Uminit ang ulo ko dahil sa narinig. Nakuyom ko ang kamao dahil sa galit. Sumusobra ka na talaga! Hinahamon mo talaga ako ha!" bulong ng isip ko sa Jenny na iyon. "Baka nakakalimutan mo, asawa ako ng boss mo. At sino naman iyang Jenny na iyan ha? At para makinig ka roon?" galit na wika ko rito. Nataranta naman ito bago sumagot. "I-iyon din po kasi ang bilin ni Sir Mi-" Akmang bubuksan ko ito, ngunit nakalock ang pinto sa opisina ng aswa ko. Lalo tuloy akong nagalit dahil sa maduming na

