Naisipan kong sumama kay manang para mamili ng mga kakailanganin sa bahay. Busy si manang sa pamimili ng kakailanganin sa kusina, habang ako palakad-lakad at patingin-tingin lang ng.. "Babe, let's buy this also, ipagluluto kita mamaya ng favorite mo," wika ng babae. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ko kung sino. Si Jenny at ang magaling kong asawa! Anong ginagawa ng dalawang ito? At ano? Ipagluluto ang asawa ko?!" Nakaramdam talaga ako ng matinding selos. Lalo na ng makita kong nakayapos ang braso ni Jenny sa braso ng asawa ko. Hindi naman nila ako napansin at nakatalikod kami. Nagulat pa ako at bigla na lang napalingon si Mike sa likuran nito dahilan para makita ako. Medyo nagulat ito ngunit saglit lang. Ang kinagalit ko pa, parang wala itong nakita at mabilis niyay

