Kinaumagahan, wala akong napansin na Mike. "Hmm, siguro bumalik nang maynila." sa isip-isip ko. Napagdesisyunan namin ni Mic na mamasyal. Namili na rin kami ng kung ano-ano na puwedeng idagdag sa store ni mama. Tanghaling tapat na kami bumalik. Nagkakatuwaan pa kami habang bumababa sa sasakyan ni Mic. Pagpasok namin, nagulat ako sa naabutan. Nandoon sila daddy, mommy at Mike. Pati magulang ko. Bigla akong kinabahan at baka galit ang mga ito sa akin. "Anak, nandito sila dad at mom mo," wika ni mama. Nagulat naman ako nang salubungin ako ni mommy habang papalapit sa mga ito. "Hija, anak, I miss you," nakangiting wika nito. "I miss you too mom," ngiting wika ko rin dito. Humalik naman ako sa pisngi ni daddy. "Ikaw talaga hija, hindi mo man lang sinabi sa amin na susurpresahin mo pala k

