Pagkatapos naming kumain, niyaya ko sa terrace si Mic, gusto ko kasi sabihin dito ang tungkol sa amin ni Mike. "Hmm Mic, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo na si Mike ang asawa ko," paumanhin kong wika rito habang nakaupo kaming dalawa. Magkaharap kami nito. "Tss, kung hindi pa siya pumunta rito, wala ka pang balak aminin sa akin," wika nito na mukhang nagtatampo. "Naisip ko kasi, 'di muna dapat malaman kasi babalik din naman kaagad tayo sa Australia. Hindi ko naman akalain na pupunta siya rito," sagot ko. "Ayos lang, ang mahalaga sinabi mo na sa akin. Basta nobya pa rin kita, walang nagbago," nakangiting wika nito. Bigla ko tuloy itong inirapan. "Bakit nga pala, gusto mong magpanggap akong nobya mo ha?" tanong ko rito. "Basta." Sabay lipat sa upuan ko at inakbayan ako. May ibinu

