... "Ano ? Kaya mo ?" "Jasmine hindi .. hindi ko ibibigay ang asawa ko sa yo !" Nakarinig sya ng pagtawa mula sa kabilang linya "edi hindi ko din ibibigay ang anak nyo" Napasapo si daniel sa kanyang mukha "jasmine please magusap tayo .. hingin mo lang ang lahat wag lang yun .. ako nalang .. ako nalang wag na ang asawa at anak ko" "Hindi daniel .. binigyan kita ng pagkakataon noon pero wala dahil pinili mo padin si kathryn at ngayun sagad na ako kaya kita pinapapili pero mukhang malinaw naman na kung sino sa anak at asawa mo ang gusto mong mabuhay" Nakatingin lahat sa kanya kumikilos ang pulis at sinusubukang hanapin kung saan nagmumula ang tawag "Jasmine .. wag mo naman idamay ang bata .. wag mo syang idamay sa gulo natin parang awa mo na ibalik mo na ang anak namin" "Sino

