"Ikaw nalang ang magtingin kung yun .... kung ... yung bangkay ay si isabel .... kame na ang bahala sa asawa mo .. mas mabuti kung hindi nya makita baka mas lalong makasama sa kanya kapag hinintay mo pa syang magising at isama doon" Tumango si daniel bago binigyan muna ng halik ang asawa na natutulog sa kanilang higaan .. nasa tabi nito na nakabantay ang kanyang ina at kapatid "Sige ma .. babalik din po ako" "Magiingat ka" Agad na umalis si daniel kasama ang kanyang mama karla at ang ilang sa mga kaibigan upang samahan sya sa purenarya kung nasan ang bangkay ng bata .. Sa totoo hindi nya alam ang kanyang nararadaman .. ang bigat bigat sa puso na kahit hindi pa sya nakakasiguro ay naghalo halo na ang kanyang mga nararamdaman sa mga posibilidad .. si marco na nga lang ang nagdrive

