Finn's POV Malayo kong tinatanaw si Madi na busy pakikipag-usap sa mga bisita. Pansin ko ang discomfort at pagod niya dahil kanina pa din niya ito ginagawa. Matapos makausap ang isa ay may nakaabang sa likuran niya upang magpakilala. Hindi naman nakakapagtaka iyon ngunit dahil sa siya ang main person sa event ngayon pero... Hindi ba dapat ay si dad ang dinudumog nila lalo pa at sa kaniya ibinigay ang karapatan sa ari-arian ng mga Moore? Sinipat ko ang paligid at pilit hinanap ang maputi niyang buhok at balbas senyales ng katandaan. May matatanda sa ibang kumpol ngunit wala siya doon na ikinakunot ng aking noo. Napagpasyahan kong bumaba at sagipin si Madi at ganoon na lang ang kaniyang relief nang dumatin ako. Magalang itong nagpaalam sa kausap at nagpatianod sa akin

