Madeline’s POV “Are you having a great time?” Bulong ni Finn mula sa likuran. Napangiti lamang si Mr. Santos dahil mukha kaming sweet ni Finn sa inaakto niya ngayon. Nakahawak siya sa aking bewang habang nakalapit ang mukha sa akin. Mabilis ang pag-flash ng camera sa aming direksyon kaya't medyo napapikit ako ng bahagya. Nadinig ko na lang na nagpapaalam si Finn sa kausap ko kanina pagkatapos ay masuyo akong hinila palayo sa mga tao. "Thanks so much..." Pagpapasalamat ko dito at huminga ng malalim nang makalayo na kami sa mga tao. Kanina pa ako nakikipag-usap sa mga ito at mayroon talagang ginamit ang gabing ito para makipag-negotiate sa akin at mag-alok ng partnership here and abroad. "Always happy to take you away from them," natatawang sambit niya at napatigil na ikinataka ko

