Vanessa’s POV Tinanguan ko si niu at pinanood siyang humakbang paatras upang makasalida. Sa isang iglap lang ay bumangga ang kaniyang maskuladong katawan sa pintuan na ikinabasag nito. Halos manigas ako sa kinatatayuan habang malakas ang kabog ng dibdib nang makita ang kalagayan ni daddy Maui. Nakatutok ang baril ng lalaki sa kaniyang sentido at ipuputok na sana kung hindi lang siya nabigla nang pumasok kami. Nanlaki ang aking mata nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa gilid ng kaniyang noo, sa kabilang parte kaiba sa lugar na tinututukan ng baril. Natuon ang atensyon ko sa door knob na gumulong patungo sa aking puwesto. May bahid iyon ng dugo at dent at sigurado akong iyon ang tumama sa kaniya. “Get off me, you pesky rats!” Masyadong mabilis ang pangyayari, natagpuan ko na lang

