Maui’s POV Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang ikinukuwento ang tungkol sa pagbigay ng kayamanan ng kaniyang lolo sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko alam na mangyayari iyon. Wala sa hinagap ko ang magmana ng ganoon kalaking halaga lalo pa at ang kabayaran noon ay ang aming pagkakaibigan. Sino ba ang mag-aakalang simula pa lang pala iyon ng mas malalim niyang galit sa akin? “Alam mong umalma ako, Florante. Hindi ko tinanggap ang mana dahil s—“ “Hindi mo tinanggap? Paano ka makakarating sa tuktok ng tagumpay kung hindi dahil sa pera niya?! Hindi ba at may kasunduan kayo?! Akala mo ba ay maloloko mo ako?!” Sigaw niya at idinuro ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. ‘Alam niya...’ Ipinikit ko ang mata at malalim na huminga habang bumabalik sa aking alaa

