Florante’s POV Gustong magdiwang sa tuwa ng puso ko lalo at ipinaubaya sa akin ni Madeline ang kumpanya ng walang kahirap-hirap. Hindi ko akalain na ibibigay niya iyon lalo pa at alam niya na buhay ang kaniyang ama na hindi ko din alam kung bakit hindi nagpapakita. Magandang opportunity iyon upang mas lasunin ang isipan niya at ipakita kung gaano ako kabuti at mapagmahal na ama... Hindi katulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon. “Tanda mo pa ba kung saan nagsimula ang lahat, Maui?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya. Base pa lang sa hilatsa ng kaniyang mukha ay alam niya ang tinutukoy ko na bumuhay sa galit na matagal kong kinimkim para sa kaniya. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata habang inaalala ang panahong hindi namin pareho matatakasan. “Tingnan mo ‘tong bago kon

