Third Person’s POV “Get the fck up, we’re going somewhere.” Matigas na utos ni Madeline habang nakatayo sa gilid ng higaan ni Finn. Kukurap-kurap pa ang binata na halatang naalimpungatan pagtulog at nanlaki ang mata nang makita ang dalaga sa kaniyang tabi. Nang maka-recover ay sinipat niya ang digital na orasan sa kabilang gilid at napaungol sa inis nang makitang alas dos pa lamang ng daling araw. “Come on, Madi. Kakauwi ko lang kaninang ala una. Halos wala pang kalahating oras ang tulog ko so please...” Asar na pakiusap niya at tinalikuran ito bago nagtalukbong ng kumot. Babalik na sana siya sa pagtulog nang marinig niya ang tunog ng pagkabasag ng kung ano sa loob ng kuwarto. Agad siyang napabalikwas at kinuha ang remote upang buksan ang ilaw. Ganoon na lang ang panlulumo ni

