Madeline’s POV Magmula ng makabalik galing pagja-jogging si Finn ay lagi na itong tulala at may kausap sa telepono. Sa tuwing lalapit naman ako ay papatayin niya ang tawag at tatawa ng peke pagkatapos ay susubukan akong yakapin. “Tigilan mo ko Finn ha. Ang gusto ko ay bakasyon, hindi dagdag sakit ng ulo.” Banta ko dito at pinanlakihan siya ng mata. Napanguso naman ito at pagod na inihiga ang sarili sa sofa. “Umaga pa lang pero you already look hell.” Puna ko dito. Binigyan niya lang ako ng malamlam na tingin bago ipikit ang mata. Napailing na lang ako sa inasta nito at tinungo ang shower upang makapaglinis. Ang malamig na tubig ng tagaytay ay nakakatulong upang kahit papaano ay makalimutan ko ang mga isipin na tinatakasan ko sa Maynila. Matapos ang lahat ay nagbihis na din

